BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN AT SAMUT-SARING TRAIN OF THOUGHT
Thursday, August 30, 2007
Iskoran!
The Artist

The Assistant

The Center of Attention

The Creation

Presenting our new score board ...
Bongga!
Binalibag Ni Choleng ng 9:49 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, August 27, 2007
Sa Wakas!
Matapos ng nakapapagod na paghahalughog ng abubot at pagkain ng alikabok makahanap lang ng supporting documents, pagpunta sa simbahan at local civil registry ...
Matapos ng ilang pabalik-balik sa DFA, Taguig City Hall at NSO ...
Matapos ng walang humpay na pangungulit sa Travel Desk ...
Matapos nang kutaku-takot na hinagpis at buntong-hininga ...
FINALLY, natapos din!!!

May passport na ako!
Singapore, here I come!!!
Ang kaso naiwan na ako nina Ed at Mannix na kasalukuyang nagliliwaliw sa Ghenting matapos mag-Singapore.
Kasuya!
Binalibag Ni Choleng ng 9:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, August 26, 2007
MOA Naman!

Star City dapat ang punta namin kaso binirahan ng ulan eh may kasama kaming mga bata kaya napagkasunduang sa Mall of Asia na lang i-celebrate ang birthday ni Girlie, bunso namin.


Siyempre may bata kaya meryenda muna sa Jollibee.

Nang mabusog, bowling na!

Medyo mahal ang bayad sa MOA kumpara sa Megamall pero mas maganda naman ang amenties at high tech ang score board!

Birthday girl giving her best shot.

Eldest nephew Teejay. First time sa MOA, first time ding mag-bowling.

Nang matapos ang game, family picture muna.

Final score? It's a tie!

Nang mapagod, arcade naman!


Teejay, Emjhay, Jenny and Kiko
Ang lagay sila lang?

Nang mapagod at maubos ang pera, ginutom na. Tindi ng debate kung saan kakain, sa Food Court kami bumagsak.

Grilled seafood galore!

Hay, sarap ng sama-sama at kumpleto ang family. Kung puwede lang gawing lingguhan kaso masakit sa bulsa.
Sino may sabing hindi nabibili ng salapi ang kaligayahan?
Binalibag Ni Choleng ng 8:41 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, August 24, 2007
Acrophobia
Ewan ko ba, tindi ng fear of height ko pero gawain ko pa ring titigan araw-araw ang kahabaan ng Ayala mula sa ika-31 palapag.

Parang therapy ko na rin para mawala ang takot ko pero it's no use.
Nangangalisag pa rin ang balahibo ko.
Haylp!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:56 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, August 22, 2007
Stolen shots
Nicole Rossi a la Sisa

No eating on the floor, Choleng!

Walang kamalay-malay si Haydee na kinukunan siya ng picture

Binalibag Ni Choleng ng 7:35 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, August 20, 2007
Pansol for All!
August 5 ang original plan, ginawang August 19 dahil sa kakulangan sa budget ng karamihan tapos ginawang August 18 pero bandang huli, binalik din sa 19 dahil mas lalong maraming hindi makakasama.
Ang gulo!
Last minute, urong-sulong pa ang iba dahil ilang araw nang ulan nang ulan at ayaw umalis-alis ni bagyong Dodong pero napagpasyahan na ituloy na dahil nakaplano na -- rain or shine -- kahit nilagnat pa sina Doc at Richie; kahit pa-resign na si Jeff at nagka-sore eyes man si Ivy!
Pansol ang destination. Nauna sina Julius, Bobby, Jeff at Haydee para maghanap ng venue. Matapos ang ilang galong tagaktak ng pawis at walong resort, natagpuan ang Villa Leah.
Maganda ang villa. Malaki ang 2 kuwarto, may videoke at bonus na mga pusa, butiki at ipis sa halagang P2,500. Medyo defective na ang karaoke pero good deal na rin. Siyempre, Julius-Bobby with Jeff on the side yata ang nakipag-negotiate. Mga hari ng tawaran! (reading between the lines, kuripot!)
Ayos!
4 PM naman umalis ang second batch.

Elevator pa lang, sinimulan na ang kodakan ... hanggang Adventure!

Nakisama naman ang panahon. Kulimlim lang pero ni hindi pumatak ng ulan.

Kitam?
Heto ang Master Chef. Specialty - burnt hotdog. (with Sous Jeff)

Masaganang kainan. Champion ang inihaw ni Julius at manok ni Ivy.

May kasama pang Jufran!

How to eat a hotdog ... in style!

Ayan, nasobrahan sa hotdog!
Sabi nila, kapag daw nagti-team building, nagkakahiwa-hiwalay pagkatapos. Oweno! Talaga namang lahat, doon papunta. Sabi nga, some good things never last. Ang importante, masaya habang magkakasama at hindi magkakalimutan magkalayu-layo man.
Julius and Bobby, excellent planning. Another job well done. Wala talagang tatalo sa kakuriputan ... este, kagalingan nyo.

Dynamic Duo
Salamat sa lahat.
Hanggang sa muli ... sana.
Binalibag Ni Choleng ng 8:53 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, August 14, 2007
Awat na!
Nasobrahan yata ng Dumbele, sa loob lamang ng ilang araw may Dodong at Egay agad na bumisita sa Pinas.
Dami ng nasalanta, daming bahay na lumubog, lugi na ang mga estudyante at dahil laging walang pasok.
Tama na po!
Binalibag Ni Choleng ng 8:52 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, August 11, 2007
Amo at Alipin
Kung minsan, kung sino ang amo siya pang ugaling alipin.
Mga Tauhan:
Nicole Rossi - isang call center agent. Magaling pero antukin.
Vade Zane - Ang may-ari ng kumpanya, makulit at wala sa katinuan. Tila naka-ecstacy.
Gina Lopez - supervisor na Level 2.
Yummy - sa isang natatanging papel
Lugar:
Isang call center na nasa ika-31 palapag.
Isang nakakaantok na umaga ...
Si Nicole Rossi matapos mag-standard greeting sa "caller."
Vade: Great, let me ask you a question, this is just simple, I work with Spacecom and I'm just checking on something ... when you sell the lifetime warranty, what kind of bonus do you get?
Nicole: (wala sa sarili) what do you mean bonus?
Vade: How much do they pay you when you sell that? You earn an extra bonus for selling that?
Nicole: No sir, we don't have.
Vade: ... I'm the owner of Spacecom ... I own the company, do you understand? you understand, yes or no?
Nicole: Yes, i understand ...
Vade: So, when you sell ah because i have an agreement with SP how much they should pay you ... and i want to make sure that you are getting it, so you don't get paid if you sell this $49 plan?
Nicole: No sir, we don't ... i'm not sure if we do have incentives regarding that although we do receive ah ...like spiff or extra bonus on that but.. i'm not sure ...
Vade: What do you mean you're not sure, you don't know?
Nicole: uhum ...
Vade: Okay, well you should know, they said they told you.
Nicole: Uhuh ...
Vade: How much do you earn if you sell ... if you just do a sale?
Nicole: Ahm, it's ah ... I'm not sure, it's around ... i think ... let me just check ...
Vade: Are you there?
Nicole (hindi na nakayanan): Can I put you on hold for a couple of seconds?
Vade: Sure!
Kinausap na ni Nicole Rossi ang Sup on duty. Binalikan si Vade.
Nicole: Hello sir. yes, ah well ... unfortunately we are not able to ... I won't be able to give you any information regarding that.
Vade: (imbiyerna na) Okay, I own ... I am the owner of Spacecom, I own the company ... you work for me ... do you understand? I pay you guys. so I'm asking you, were you get paid?
Nicole (nagising na ... yes, the whole time na kausap nya si Vade tulog pala siya): Okay, can I have your first and last name?
Vade: Sure, my name is Vade Zane ... I work with Yummy , I work with everybody at your office, you name them ...
Nicole: Your last name, sir? (Nicole, sinabi na nya!)
Vade: Sure, Zane ... Z-A-N-E ...
Nicole: Okay, ... now, can i put you on hold again for a couple of second?
Vade: (buraot na) Well I'm asking you, I called you to tell me what you get paid ...
Nicole: But sir, we won't be able ... i won't be able to tell you that ...
Vade: Why?
Nicole: Because we're not allowed to tell anyone ...
Vade: I'm asking you, I own the company, i'm telling you to tell me, do u understand, okay ... so i wanna know ...
Nicole: Ahm, what I do know is that we have ahm, we get incentives and spiffs ... (tagalugin mo na!)
Vade: Okay, how much do you get paid when you sell 1 system?
Nicole: 1 system?
Vade: Yeah, when you sell the DTV system,what's your commission?
Nicole: Uh-huh ...but ... Ah, we won't be ... I won't be able to tell you that, sir (umamin ka na!)
Vade: Well, who's the supervisor on the floor right now?
Nicole: Ah ... if you want to talk to a supervisor ...
Vade: Who's the supervisor on the floor?
Nicole: Ah, it's Gina Lopez ...
Vade: Okay, let me talk to Gina ...
Hold uli ang Nicole, tinawag si Choleng ...
GL: Hello ...
Vade: Yeah
GL: This is Gina Lopez, how may I help you? (haneeep!)
Vade: ah, hold on one second ...
Tingnan mo 'to, tinawag ako tapos nakipag-usap sa iba!
Pagbalik...
Vade: Gina, listen, how much does the sales rep receive in commission when they sell 1 system?
GL: Well, actually, it's according to your agreement with ... with ... our manager ...
Vade: Well, what's our agreement? (abaaaah ... nanghuhuli!) They should know when they get paid ..
GL: Actually, Vade, the reason why we are instructing our agents not to, you know, talk about incentives is because we don't want to give our customers the impression that we are working on commission basis.
Vade: Well, here's my ... here's my ... I mean ... I (uy, tongue-tied!) ... you work for me, I pay you every week. I am telling you to tell your reps when I call they answer any questions I want to ask them.
GL: Well, Vade, you have to understand, we have ... you know prank callers, customers who are claiming ...
Vade: Well, I'll give a code word ... i'll give a code word... okay, may name is Vade Zane, okay, and I own Spacecom, I am the owner ... I am asking you, you ask one of the reps what they get paid when they do one sale and i want an answer right now.
Silence (nag-iisip)
GL: Okay, I'm actually ... you know, as a supervisor I'm more versed on the operations side of the ...
Vade: Okay, I don't want any excuses, I want you to ask a rep what he gets paid and I want you to tell me that answer ...
GL: You know what Vade, ahm, I'm not in the position really to talk about incentives ... but ... ah ... what I can do ...
Vade: ... I want the rep to tell me ... listen to me, I want the representative to tell me what they get paid for a sale, I want to know the answer back.
GL: Alright ... What I'm going to do ... actually ... since ... (pagsalitain mo akoh!)
Vade: No ... No ... Lean over and ask somebody and tell me ... (abah!)
GL: Hang on, Sir ... (talks to Yummy) Hello, Vade ... I will be transferring you to our manager, okay, so you can discuss better about this so that the agent can attend to other calls also.
Vade: Who's your manager?
GL: Yummy ... I'll be transferring you to Yummy, okay? alright? Hang on, Sir
Vade: Okay
Namputsa, alam kaya niya ang mga salitang professionalism, business ethics at SOX???
Binalibag Ni Choleng ng 8:49 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, August 08, 2007
Dumbele
Matindi ang tagtuyot. Agosto na pero tatlong bagyo pa lang ang dumadalaw sa Pinas. Critical level na ang dam. Pati simbahan sinimulan ng dasalin ang Oratio Imperata (Obligatory Prayer) upang kahit paano ay hindi gaanong indahin ng sambayanang Pilipino ang nararanasang tagtuyot.
Biglang sumagi sa isip ko ang isang piyesang itinuro sa amin way back KOC days. Dumbele. Rain chant ng mga Itneg. Tuwing pina-practice namin garantisado nagdidilim at minsan pa nga, umuulan.
Ito siguro ang dapat nating kantahin.
Heto siya, buti may natisod akong recording ng DLSU Chorale.
Astig!
Ed/SG, kumusta na kaya ang ginamit nating kawayan???
Binalibag Ni Choleng ng 5:34 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, August 06, 2007
Lagare
Sa dinami-dami ng araw sa isang linggo, lahat ng activity ko nagkasabay-sabay ng Linggo. Lagare tuloy ako (di naman ako karpintero ... nyeh!)
Matapos ng nakakakubang trabaho, sagsag ako sa Megamall para sa lingguhang misa. Nang matapos, takbo na ako papuntang Yellow Cab Galleria para sa pa-pizza ng kaibigang Ollie na sa wakas eh pumasa sa NCLEX.

Pasado??
Saktong paglabas ko ng Gamol, may nakabalagbag na bus. "Ortigas Ilalim?" tanong ko. Oo raw, sagot ng kunduktor. Sakay.
Nagmamadali ka na nga, kinarir pa ng damuhong bus ang pagkakabalagbag. May nagdatingan at nag-alisang bus pero siya, di natinag, nanatiling nakabalagbag.
Sa inis, tinanong ko ang driver, "Mama, pupunuin ba 'to?" Nagsingitian ang mga pasahero, di ako pinansin ng driver. Sa asar, bumaba at lumipat ako sa bus na nasa pinakaunahan ng mga nakabalagbag. Ayun, nakarating din sa Galle at salamat may nahabol pa akong isang slice.


Oo na, Ollie, pasado ka. Salamat sa pizza!
9:00 ang call time ng isa ko pang gimik (Team Building ng mga mayordoma sa Red Box) , pero ganung oras, kasagsagan pa lang ng chikahan. Mula Yellow Cab, lumipat kami ng Gloria Jeans dahil ipinagtabuyan na kami ng pizzeria. Sukat ba namang nandoon pa kami eh binabaldehan na ang sahig? Mga di makapaghintay!
Alanganin nang sumunod ako sa Red Box kaya nag-text ako sa mga mayordoma na hindi na ako makasunod pero nag-text back at sinabing kailangang nandoon ako. Kahiyaan na dahil in the first place, sinabi kong darating ako. Mabigat man sa loob, iniwan ko ang nagkakasayahang tropa upang puntahan ang isa pang nagkakasayang tropa.
10:00 ako sumakay ng taxi papuntang Greenbelt pero 10:15 pa lang, nasa Red Box na ako. Pagdating ngawa agad at dahil "polluted" ang kuwarto sa dami ng nagyoyosi, agad akong namalat at nawalan ng boses. Medya-medya lang ang naging performance ni Choleng. 12:00 midnight, nagpaalam na ako dahil may pasok kinabukasan. 12:05 ako sumakay ng taxi, mga 12:20 nasa bahay na ako. 1:00 AM na ako natulog at gumising ng 3:30.
Buti na lang naka-Enervon Prime ako!
Binalibag Ni Choleng ng 7:21 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, August 05, 2007
Happy Birthday, Jenny!
Para sa pinakamaganda kong pamangkin ... (syempre, nag-iisang babae!)
Binalibag Ni Choleng ng 6:36 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, August 04, 2007
Di na ma-reach ...
Bagama't ... datapwa't ... subali't ... alalaong-baga'y ...

Binalibag Ni Choleng ng 7:06 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, August 03, 2007
Pasimpleng Patalastas
Hindi ko alam ang kuwento ni Nanay Reming at ang tatlong anak nya na nawalan ng bait at bagama't ang kanilang kuwento ay nailahad sa "Maala-ala mo kaya?" hindi ko rin napanood dahil nga "I don't watch local channels."
Kanina, napanood ko sa sa TV Patrol (di raw nanonood ng local channels) na tutulungang ipagamot ng Bantay Kapamilya ang magkakapatid. Mismong si Gina Pareno na gumanap sa papel ni Nanay Reming ang sumundo sa pamilya sa pier.
Nakaka-touch ang pagkikita ng dalawa. Nakakaiyak... nakakadala ... hanggang ...
Teka!!!
Dapat ang blocking nakaharap sa camera si Gina at nakatalikod naman si Nanay Reming???
Para sapol na sapol ng camera ang logo ng Belo sa likod ng t-shirt!?!?

Dra. Vicki, why not!
Binalibag Ni Choleng ng 7:26 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, August 02, 2007
The Aviary
The eagle, the dove and the peacock.
Yan ang pabulang kathang-isip ko na kinagigiliwan ng pamangkin ko ngayon.
Walang sinabi ang Wonderpets!

Panis!!!
Binalibag Ni Choleng ng 9:33 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin