<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=10718926&amp;blogName=The+JAYNA+Monologues&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fthejaynamonologues.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fthejaynamonologues.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN AT SAMUT-SARING TRAIN OF THOUGHT



Wednesday, May 28, 2008

Gwin
After black, here comes green.

Photobucket

Doc, kailangan green din ang hair?

Binalibag Ni Choleng ng 7:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, May 27, 2008

AI Cooked
Mula sa bundok ng Bontoc nalaman kong nanalo ang manok kong si David Cook.

Photobucket

Yes, nanalo ako sa pustahan! Free lunch, Mr. Tamayo!

Binalibag Ni Choleng ng 7:20 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Mula sa alapaap
Mga tao, bagay at pangyayari na hindi ko makakalimutan mula sa biyahe ng Metanoia Choir sa Bontoc at Sagada:

1. Ang Cable Tour bus na naunsiyami ako noong una dahil makitid at hindi kasing kumportable ng double-decker bus na sinakyan namin papuntang Aparri, sobrang lamig pa. Nang tahakin namin ang makikitid na daan paakyat ng Mountain Province, naunawaan ko kung bakit. Tindi ng biyahe. 8:45 PM kami umalis ng Manila, 8:45 AM kami dumating ng Bontoc. Dose oras!

Photobucket
Biyaheng Bontoc

2. Ang mala-post card na tanawin mula Ifugao hanggang Bontoc at Sagada. Ilang beses akong napanganga sa ganda!

Photobucket

3. Ang retreat house na tinigilan namin na mas kilala sa pangalang Teng-ab Pastoral Complex na sa sobrang pagka-overwhelm ko sa magandang tanawin eh nakalimutan kong ipagtanong kung ano ang ibig sabihin ng Teng-ab. Basta, Teng-ab.

Photobucket
Teng-ab Pastoral Complex

Photobucket
Clockwise: Long shot of Teng-ab from the palengke; Teng-ab corridor; Tambays; Building na tinigilan namin

4. Ang Teng-ab Chapel. Kahit hindi ka religious mapapadasal ka sa sobrang serene ng lugar.

Photobucket

5. Si Rev. Fr. Noel M. Bantiyan, Rector ng Teng-ab Pastoral Complex, Fr. Noel for short. Sing-init ng bagong kulong tubig ang pag-estima n'ya sa amin.

Photobucket
Metanoia with Fr. Noel (yung naka-gray na nakahalukipkip ... oo, priest sya)

6. Si Val na may malay. Ang magiting na pastoral worker na walang sawa sa pagtulong sa amin at siyang naging "bugaw" namin sa Bontoc. Dahil sa kanya, kung saan-saan kami nakarating.

Photobucket
Si Val at ang astig naming van. 4WD, pare!

7. Ang encounter namin with Missionaries of Charity Brothers at Rev. Fr. Martin Jäggi , Retreat Master ng Teng-ab. Tsura ng United Nations -- may Swiss, Indian, Korean, Indonesian, Chinese ... lamang siyempre ang Pinoy.

Photobucket
With Missionaries of Charity Brothers and Fr. Martin (bearded)

Photobucket
Outside the chapel

8. Ang jamming namin with the Teng-ab pastoral workers. Kinantahan muna namin sila tapos sila naman. The best ang "blessing dance" na itinuro nila sa amin. Pati si sister hataw!

Photobucket
Teng-ab pastoral peeps

Photobucket
Kodakan with the pastoral workers

9. Ang pagtunog ng kuliling bilang hudyat na kakain na. Saraaap!

Photobucket
Breakfast!

10. Ang maaliwalas na kusina ng Teng-ab at ang masasarap at nutritious na pagkain (foreigner pa ang dietician, huh). Puwedeng dito na ako tumira?

Photobucket

Photobucket

11. Ang pagrampa namin sa Bontoc at ang trekking slippers ni Pao. Havaianas yan!

Photobucket
Top to bottom: Kami palabas ng Teng-ab; Kulitan sa bangin; Ang Havaianas ni Pao.

Photobucket
View of Bontoc from Teng-ab. Beautiful!

12. Ang Bontoc Museum. Bawal kumuha ng picture sa loob kaya walang larawan ng "all-things-Bontoc." Agaw-atensiyon ang karatula ng CR sa loob ng museum. Bugan for ladies, Atan for men. Kapag gay daw, Bugatan. Nice!

Photobucket
Outdoor Pictorial: Ato, Ulog, Baboy, Bul-ol Atbp

Photobucket
Pulong-pulong sa Ato -- Ato or "council"

Photobucket
Shopping for souvenirs sa museum

Photobucket
Serenade for Sister. Wala bang discount sa souvenirs namin?

Photobucket
Kulitan sa Museum Entrance

Photobucket
Munisipyo

Photobucket
Bayan

Photobucket
Pahinga muna sa Ato. Yes, feeling council of elders lagi.

13. Ang nakakaurong ng itlog na hanging bridge na umuugoy at umiingit ang lubid sa sobrang lakas ng hangin. Kapag nalagot, rumaragasang ilog ang babagsakan mo. Sa simula lang naman pala nakakatakot. Matibay naman pala at sabi nga ni Val, kapag may inililibing sabay-sabay pa ngang nagdadadaan sa tulay. Sanayan lang.

Photobucket
57% of the choir na nagtangkang tawirin ang hanging bridge. Kudos!

14. Ang Bul-ol. Anito ang tawag ko, rice god daw sabi ni Sister pero mas bagay yatang tawaging fertility god gawa ng "kalembang."

Photobucket
Bul-ol at feeling Bul-ols

15. Ang pagdalaw namin sa panlalawigang presinto. Medyo gloomy ang atmosphere, nataon pang umuulan. Nagkaiyakan ng kinantahan namin ang mga preso.

Photobucket
Suko na po!

16. Ang 1-2-3 Pass sessions at ang mahiwagang baby powder ni Joy. Wala kseng TV sa retreat house kaya ito ang naging libangan gabi-gabi, isama na rin ang tong-its at Charade.

Photobucket
Mga taong-baby powder! Gaganda!

17. Ang Dumag-ok Falls o Big Falls ng Sagada. Mga isang oras ang trekking pababa ng bundok pero sulit naman. Ben-gay pagkatapos.

Photobucket
Trekking papuntang falls

Photobucket
Dumag-ok Falls

Photobucket
Joy with Doctora and injured French gal. Sige, ngiti kahit wasak ang binti

Photobucket
Massage session with Wish Ko Lang boy. P20 lang.

18. Ang pamosong Sagada hanging coffin. Hindi ko ma-imagine kung pano nailagak ang kabaong sa bundok. Effort!

Photobucket

19. Ang Sumaging Cave. Ito ang hindi ko talaga makakalimutan habang nabubuhay ako. Muntik na akong mag-backout nang makita ko kung gaano kadilim, katarik at kadulas ang bababaan pero mas nanaig ang takot kong maiwanang mag-isa sa entrance ng cave kaya sumama na rin ako. Worth it naman dahil ang ganda ng stalactites at stalagmites, may libreng bat shit (and weewee) pa. Sheeet!

Photobucket
Elephant and King's Curtain formation with rappel on the side

Photobucket
Alligator formation daw

Photobucket
Alligator formation nga. Tinakpan kse namin ... hehehe ...

20. Ang guide ng cave. Eksperto, strikto at English-speaking (sayang, wala siyang picture dito) Bago bumaba ng cave, he made it clear na kailangang sumunod sa instructions n'ya at bawal ang pasaway. Bawal talaga dahil isang maling kilos mo, orthopedic hospital ang bagsak mo or worst, samahan ang mga kabaong sa Echo Valley.

Photobucket
With assistant tour guide. Yes, ginawang hat ang lantern

21. Ang pagkanta namin sa Capinitan, Sabangan (Mountain Province pa rin). Ilokano ang misa, Tagalog-English ang mga kanta namin. Swak pa rin. Nangako naman si Father na hindi nya kami "ibebenta."

Photobucket
Metz after the mass


Photobucket
Our Lady of Miraculous Medal Parish

Photobucket
Ang offering - gulay at prutas ... all organic!

22. Ang "mahiwagang palikuran." Promise, dalawang bahay ang naki-CR kami, pareho ang porma. Hirap i-shoot, huh!

Photobucket
3 points!

23. Ang "nilalangaw" na bus papuntang Baguio. Literal na nilalangaw ha. Hindi ko alam kung saan ang source pero maraming langaw. Hindi naman amoy basura ang ordinary bus at lalong hindi naman kami amoy ulam!

Photobucket
"Fly" me to Baguio

24. Ang mega-fog ng Benguet. Grabe, first time kong naging kapantay ang ulap. Ale, nasa langit na ba ako???

Photobucket
Alapaap

25. Ang tatanga-tangang security guard ng Victory Liner. Tinanong ko kung saan may BPI ATM, sa SM lang daw. Hangos kami ni Joy ng SM, effort dahil paakyat tapos tinakbo naming pabalik ng Victory Liner dahil biglang umulan only to find out pagbalik na may ATM naman pala sa Victory Liner. Putsa! Nakadalawampung PI yata ako. Malulutong!

Hay, daming ala-ala, daming karanasan at pangyayari na tunay namang life-changing. Pinababalik kami ni Fr. Noel at ni Val sa December. For sure mas maraming activities at pampasakit ng kalamnan. Malamang sumama ulit ako pero tingnan muna natin.

Hanggang ngayon masakit pa ang buto-buto ko!

Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, May 18, 2008

Bongga ka, Boy!
Aaminin ko.

Nanood ako ng "Ikaw Pa Rin."

Oo na, nungkang manood ako ng pelikulang Tagalog, kahit Robin Padilla pa ang bida. Sa mahal ba naman ng sine ngayon, ang tagalog movies ay pang-DVD lang (Chairman Edu, practical lang!) kaso yun ang trip panoorin ng tropang yaman-yamanan kaya nakisama na rin ako ng panood.

Hmp! Panay pa ang paliwanag ko eh nag-enjoy din naman. Okay, mababaw ang plot, maraming eksenang corny at predictable at kailangang likas na jologs ka para maintindihan ang ibang jokes pero entertaining din naman bukod pa sa may bonus kilig factor sa tuwing eeksena ang soul mate kong si Binoe. Nakakairita lang ang sobrang pagliyad ng dibdib ha!

Ang KOC, dahil bihirang magkita-kita documented lahat ng gimmick. Hayan, mag-kodakan ba sa harap ng sinehan (langyang takilyero, ayaw kaming kunan ng picture. Buti na lang expert na i Ed sa pagkuha ng camera na siya ang bida)

Photobucket

O ayan, may proof na ako na hindi ako mag-isang nag-Ai-Ai-Binoe.

KOC, sa susunod quality movie naman ha!

Binalibag Ni Choleng ng 9:08 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, May 16, 2008

Sup Blues
Hay ... hay naku ... hay ...hay ...

Binalibag Ni Choleng ng 6:34 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, May 15, 2008

Battle of the David's

Photobucket

At naganap ang dapat maganap, natira ang dalawang David. Magandang laban -- rocker vs. balladeer. Sino kaya ang mananalo? Depende sa boto pero kung ako ang tatanungin, mas boto ako kay Cook.

Si Cook kse, kumbaga sa house help, all around. Hindi lang pang-rock, puwede rin sa ballad, R&B at classical di tulad ni Archuleta na namimili ng kanta at slow music lang ang forte. Yun nga lang, may tulog si Cook kay Archuleta kung botohan ang pag-uusapan. Mas mahilig kseng bumoto ang teenagers at mga mujer na syang fan base ng batang David. Abangan na lang natin.

Iniisip ko kung ano ang opening number ng dalawa: "The Girl is Mine," "Ebony and Ivory" or "Say, Say, Say?" Hindi kaya "I Want to Break Free?"

Binalibag Ni Choleng ng 5:24 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, May 14, 2008

Sowsyal!
Takot akong sumakay ng jeep kapag alam kong isa na lang ang kulang. Sa 38 ko ba namang balakang, hindi ito puwedeng "pamasak" lang. I should know. Ilang beses na kayang nangalay at nangalog ang hita ko dahil isang puwet ko lang ang kasya sa space na sabi ng driver eh maluwag pa at sampuan daw?

Kaninang umaga, dahil sa pagmamadali at sa takot kong ma-late, kahit sinabi ng driver na "isa na lang" at alam kong sasabit ako, sumakay pa rin ako. Tama, sabit nga at kamalas-malasan, may nakaupo nang mas mataba pa sa akin. Ipinagsiksikan ko ang puwet ko sa kakapiranggot na space.

"Ouch!" angal ng lalakeng katabi ko.

Tiningnan ko ang lalake. Naka-t-shirt at shorts, may bag sa paanan. Laman? Gamit ng karpinteryo.

Ang asiiiim! Nasiksik ko lang ang magaspang n'yang balakang, "ouch" pa.

'Dre, aray yun sa tagalog. Mas feel.

P.S.

Supladito o naawa sa akin, matapos ang paulit-ulit na pagdulas at pagsiksik ng puwit ko sa espasyong 1/4 lang yata ng puwit ko ang nakasayad, sumabit na lang si Ouch, iniwan ang bag sa kasama nyang uring manggagawa.

Kisig!

Binalibag Ni Choleng ng 6:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, May 13, 2008

Blah Black
Naubusan na ng "feasible" theme sa office dress code kaya color coding naman ang napagkasunduan at bilang paggunita at pagluluksa na rin sa "istokwa" anniversary (May 12) ko, itim ang napagkasunduang kulay.

Photobucket

Mano Po, PS Edition

Photobucket

Best Dressed - Vavavoom Hazel

Photobucket

Alin ... alin ... alin ang naiba?

Photobucket

Nor, ang kamay mo ... Ash! Ash!

Ano raw ang dress code next week? Purple, sagot agad ni Nor. Yun pala may bagong purple blouse.

Ayos, di ko masyadong paborito ang purple. Hindi, ah!



Binalibag Ni Choleng ng 6:09 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, May 12, 2008

Hay, SSS!
Mga obserbasyon, saloobin at pambabalahura na naganap sa dalawang araw na pagsama ko sa Mommy ko sa SSS Taguig para lakarin ang Retirement pension nya:

1. Matanda na nga ang Mommy ko. Ang bagal nang maglakad!

Photobucket
Smile muna si Mudra habang bine-verify ang record niya

2. Hanggang 40 DDR cases lang ang ina-accommodate kada araw. (DDR - Death, Disability, Retirement.) Dahil late kaming dumating nung Biyernes, binigyan na lang kami ng number para sa Lunes. Number 9!

3. In fairness, mababait ang mga empleyado dito. Nasanay k'se ako sa government employee na masusungit!

Photobucket
Hintay ... Hintay ...

4. Kumakanta ng Lupang Hinirang bago simulan ang lahat ng transaksiyon. (Bayang magiliw ... handa ... awit)

5. Iisa lang ang computer na ginagamit i-verify ang record ng isang miyembro. Kaya nagtatagal!

Photobucket
Ang guard na tagabigay ng number

6. Animan ang karaniwang tricycle sa FTI Compound. Everything P7 ang pamasahe.

7. Isa sa mga beerhouse dito ang pinagtatanghalan ni Angelica Jones (nakita ko sa karatula!)

Photobucket
FTI Compound

8. Walang kahirap-hirap kapag kaltasan pero kapag oras ng paniningil, pahirapan na. Lagi namang ganun eh.

9. Isang buwan bago malaman ang resulta ng application. Express!

10. Imbiyerna!

Binalibag Ni Choleng ng 6:07 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, May 11, 2008

Dakilang Ina
Bakit natitiis ng isang babae ang pambubugbog, pambabae, pagsusugal, pag-inom at pambabalewala ng asawa? Simple lang ang sagot.

Alang-alang sa mga bata.

Ilan ang kilala kong ganyan lalo na yung maliliit pa ang mga anak. Dahil hindi nga naman mabuti sa murang isipan ng mga anak ang konsepto ng wasak na pamilya, tinitiis at sinisikmura ang abang kalagayan . Sa ganitong pagkakataon litaw na litaw ang kadakilaan ng isang ina. Kung sarili lang nila ang iisipin, napakadaling umalagwa pero nakakapagtiis dahil sa anak.

Alang-alang sa mga bata.

Minsan na rin akong naging biktima ng pambubugbog (emosyonal nga lang), pambabae, pagdodroga at pambabalewala ng asawa. Yun nga lang, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magpakita ng kadakilaan dahil sa wala naman kaming supling. Madali akong nakatakas.

Sa isang banda, mabuti rin at hindi kami nagkaanak dahil kung nagkataon, inihambalos ko sa mukha nya ang bata bago ko nilayasan. Ngek! 'Yan ang ina!

Alang-alang sa mga bata, titigilan ko na 'to.

Happy Mother's Day!

Binalibag Ni Choleng ng 6:06 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, May 09, 2008

Coaching?
Seryoso ...

Photobucket

Nagalit?

Photobucket

Hayan, daanin na lang sa pagkain ng Kropeck!

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 7:07 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, May 08, 2008

Dreadlock's Dread
Dumating na rin ang oras ni Jason. No choice, oras na para mag-alsa-balutan.


Photobucket

Super charming ni Jason Castro. Natural, walang yabang sa katawan at talented din naman kaya siguradong aani rin siya ng tagumpay.

Ngayong out na siya, makakapagkenkoy na siya ng husto. Pinagbibintangan siya ni Ellen na gusto na nyang ma-out talaga. He even mouthed "don't vote" daw matapos nyang kantahin ang "I Shot the Sheriff."

Gusto man o ayaw na ni Jason, talaga namang hindi siya karapat-dapat makasali sa Top 3. Para sa isang happy-go-lucky na katulad nya, hindi nya kakayanin ang pressure.

Binalibag Ni Choleng ng 7:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, May 06, 2008

Let's get physical!
Sporty look ang usapang attire pero nagkamali yata. Naging patambukan ng ano ... ng puson ... ang labanan.

This week's best dressed - Nor (strike a pose!)

Photobucket

NOTE: Hindi nakasunod sa dress code ang 2-time best dressed na ATL ( Naimbitahang maging speaker, sagwa namang naka-sporty while talking about "taming the tongue." Anyway, naka-swimming trunks naman sya sa "loob" kaya quits lang) kaya naagaw ang titulo sa kanya.

Cheer Leaders (Circa 60's)

Photobucket

Joined by Mr. Sporty himself - Bong Tamayo

PhotobucketPhotobucket

Next week : Blah Black!

Binalibag Ni Choleng ng 7:01 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, May 05, 2008

TSB ... watch it!
Photobucket

American Idol ang nagpapauwi sa akin ng maaga pero nadagdag na ngayon ang "The Singing Bee."

Maganda ang show. Alive na alive at bukod sa magaling ang banda at kuwela ang mechanics, guwapo pa ang host (next to Robin Padilla, si Buboy ang isa ko pang pinagnanasahan ... hehehe)

Higit na gaganda ang show kung medyo babaguhin ang mechanics. Yun bang mechanics na ang mananalo eh talagang magaling sa lyrics at hindi dahil masuwerte o mautak.

Mas okay kung patalsikin na rin ang Honeybees dahil nakakairita ang kakekendeng nila.

Promise, ang sarap nilang bombahan ng Baygon!

Binalibag Ni Choleng ng 6:59 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, May 04, 2008

Antipolo, kinuyog!
Sanay na ang Kuyog na hindi ako nakakasama sa mga happenings gawa ng conflict ng schedule ko sa kanila kaya naman laking tuwa ko nang makasama ako sa double birthday celebration nina Kiko at Gab na ginanap sa Mountainside Resort, Antipolo.

2 PM nagkita-kita ang karamihan sa Cubao, malakas ang ulan patungong Masinag kung saan kakatagpuin ang tropa nina Kiko at Ding pero matiwasay naman kaming nakarating sa Antipolo.

Medyo luma na ang lugar at mukhang matagal ng hindi nagamit ang silid na ibinigay sa amin pero deadma na lahat yun basta sama-sama ang tropa.

Masdan ang mga larawan:

Kodakan habang nilalapa ang masarap na pansit bihon ni Kuya. Huwag nyo nang tanungin kung nakailang balik si Ella at kulang ang daliri sa kamay!

Photobucket

Di pa ganong nada-digest ang kinain, languyan na!

Photobucket

Palakihan ng bilbil!

Photobucket

Mga babae ni Kiko with Enchong

Photobucket

Pagkapaligo, kainan ulit!

Photobucket

Tapos gift-giving na. Parehong matamis ang ngiti ng celebrants. Wagi ang official shopper!

Photobucket

Kiko, makakapagpahinga na ang mga bacon mo at ikaw naman Gab, maitatago mo na ang mahiwagang tampipi.

Pagkakain, inuman at karaoke time!

Photobucket

Presenting ... The Honeybees!

Photobucket

Couple of the Night (Baks, wag masyadong lingkisin at di naman aalis si 'Ga!)

Photobucket

Mag-amang borlog ... Enchong and Ding

PhotobucketPhotobucket

Mga bata-batuta

Photobucket Photobucket
Fel and Tristan; Mariel and Mama (sabi bata eh)

Photobucket Photobucket
Mama (isip-bata); Tristan, Fel and Mariel

Picture-taking bago umuwi. Hindi kami nakasama ni Jojo dahil 5 AM pa lang, umalis na kami. May pasok eh.

Photobucket

Kiko and Gab, salamat sa lahat. Kiko, di pa rin pumapalya ang sandok mo!

Ding, salamat sa paghahatid mo sa amin ni Jojo kahit bangenge ka na. Much appreciated!

Kuyog, patawad sa mga atraso ko sa inyo. Promise, I'll try to be more visible.

Hanggang sa susunod na happening. Sana makasama ako sa Triple Treat sa July.

Binalibag Ni Choleng ng 6:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, May 03, 2008

Clio???
Nicole, 'kala ko San Mig Light model ka lang.

Photobucket

Pati pala McDo!

PhotobucketPhotobucket

Hindi ka na ma-reach!

Binalibag Ni Choleng ng 7:08 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, May 02, 2008

Kapal Day
Labor day ngayon pero para sa akin, mas angkop na tawaging Kapal day.

AKIN NA LANG 'TO

Magana kaming kumakain ng pizza ni Tata sa Greenwich PhilFirst (along Ayala, katabi ng Jollibee at kahanay ng HSBC). Pareho kse kaming nag-crave sa overload nila. Paubos ko na ang kinakain kong slice at looking-forward sa huling slice nang mula sa likod ay lumapit ang isang bading na may dalang sampaguita.

"Sampaguita, ate," alok ng hitad.

"Hindi," ang mataray na sagot ni Tata.

"Akin na lang 'to," sabay turo sa natitirang pizza ng slice.

"Hindi, hindi ..." taboy ni Tata na umalis naman.

Hindi pa nakakalayo ang bakla, may sumunod na lalaking nanlilimahid. Walang inialok, diretso ang hintuturo sa pizza.

"Akin na lang to ..." sabay dutdot sa pizza.

"Huwag ..." sabi ko. Isip ko, "langya purnada ang pizza ko."

"Akin na lang 'to ... ito ... ito ..." dutdot sa pizza tuwing sasabihin ang "ito."

Nataranta ako. "Guaaaard ..." sigaw ko.

Lumapit ang crew, itinaboy ang mapangahas. Ba't siya ang lumapit, siya ba ang guard? Ah, wala palang security guard. Langya, along Ayala, walang sikyu? Dahil ba holiday? Pambihira! Greenwich Food Corp, pakisilip naman 'tong branch na ito.

Bagama't pinalitan ang slice ng pizza (at apologetic ang manager yata yun, ewan ko!), hindi ito singlaki at sing-mouth-watering ng dinutdot na pizza. Hay, madali naman akong bumigay. Kung hindi naging makapal ang kumag, malamang binigay ko pa sa kanya ang pizza.

Hay, kapal!

USAD-PAGONG

Pauwi, Guadalupe ako nagdaan tapos sumakay ng FX pa-Pateros. Mula Pateros, lumipat naman ako ng jeep Tipas. Mga limang kanto bago sa bababaan ko, naging usad-pagong ang takbo ng jeep. Dalawa na lang kaming sakay ng driver, nanunuyod ng pasahero, sa loob-loob ko.

Antok na antok ako at ang banay-banay na takbo ng jeep ay tila ipinaghehele ako kaya deadma lang pero nagising ako sa aleng katapat ko na hindi na nakatiis.

"Mama, may ibibilis pa ba 'to?"

Ang magaling na driver, imbes na sumagot ipinakiabot sa akin ang 7.50, at sinabihan ang ale sa nanggigigil na tono, "Lumipat na lang kayo. Naghahanap-buhay ako."

Ay, ang kapal ng mukha! Nandun na ko, naghahanap-buhay sya pero dapat inisip din nya ang kapakanan ng pasahero nya. Puwede namang mamasada ng hindi nakakaabala sa pasahero mo, di ba?

Iniabot ko sa tigagal na babae ang 7.50 at niyaya ko siyang bumaba. Oo, bumaba na rin ako para damayan siya kahit lugi ako ng 7.50 at baka masapak ko pa ang driver.

Mamang tsuper, ang kapal ng mukha mo! Mabangga ka sana!

UNGAL-BAKA


Ito namang si Brooke White, cry-to-death pa nang matanggal sa American Idol eh dapat nga hindi siya umabot sa Top 12.

'Neng, magaling ka pero maraming mas magaling sa 'yo. Pasalamat ka nga at umabot ka pa hanggang dyan. Uminom ka nga ng kape at ramdam ko hanggang dito sa Pilipinas ang mukha mo!

Kapal!

Binalibag Ni Choleng ng 9:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

My Photo
Name: Jayna a.k.a. Choleng

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com