BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, June 25, 2007
61
Simple lang ang gustong birthday celebration ng Mom ko. Basta sama-sama ang pamilya at makitang masaya ang mga apo, okay na sa kanya.
Di puwedeng out-of-town dahil may kanya-kanyang pasok at natapat pang Monday ang birthday kaya nagkasya na lang kami sa Megamall. Masaya din naman dahil halos kumpleto kami. Di lang nakasama ang dalawa kong pamangkin sa Teresa at maaga ang pasok kinabukasan.
Birthday girl with our Little Miss
Nagmeryenda muna sa Chowking, nag-shopping ng konti at nag-bowling na.
Bowling!
Isang taon na rin ang nakaraan mula nang huli kaming mag-bowling kaya lahat kinalawang na. Suwerteng unang tira ko pa lang ay strike na at magaganda pa ang mga balibag kaya ako ang nanalo. Bitin ang isang game pero dahil may kasama kaming mga bata at "arthro" tinapos lang ang isang laro at diretso na kami sa Tiendesitas.
The family that bowled together
Tiendesitas. Daan-daanan lang namin ang sosyal na tiyangge na ito kaya dito napagkasunduang mag-dinner. Mas gusto ng mga boys na sa Food Court with live band na kumain pero nag-Max's na muna kami para makapag-concentrate sa pagkain at para makakain rin ng maayos ang mga bata.
Max's Tiendesitas
Pagkakain, talagang diretso na ng Food Court. Okay ang banda. Magaling ang lead singer na kelots pero yung babae, sawi. Di na nga gumaling kumanta, ang sagwa pang sumayaw. Buti na lang magaling siyang mag-mini skirt.
Nakaanim na beer lang at nagkayayaan nang umuwi pero bago yun, nag-iwan muna kami ng tatak-Lizertiguez sa Tiendesitas.
Yung pamangkin ko na patakbo-takbo sa Food Court, hayun, hinila ng singer, dinala sa stage at pinagsayaw sa saliw ng maharot na kanta ng Black Eyed Peas. Di pa nasiyahan, pati yung isa kong pamangkin, hinila rin sa stage. Mahiyain ang mga bata kaya sumayaw na rin. (Mahiyain talaga sila, promise!)
Rascals jamming with the band
Si Girlie naman, yung bunso namin, isang hila lang ng lead singer, kumanta na. Kse nga, mahiyain. Ang kaso, dahil sinisipon, pagdating sa mataas na part ng Dancing Queen, bigla ba namang ipinasa sa akin ang mike. Buti na lang at kaharap lang ako dahil kinukunan ko ng picture. Dahil mahiyain din akong sobra, kanta din ang Choleng. Palakpakan ang tao. Di ko na gaanong tinapos at baka matabunan pa lead singer. Sayang ang mini skirt.
Girlie belting "Dancing Queen"
Kung merong isang bagay na makakapagpaligaya sa Mom ko, iyun eh makita nyang bida at astig ang mga anak nya sa kantahan kaya tuwang-tuwa ang matanda dahil hindi lang dalawang anak nya ang pinasalubungan ng masigabong palakpalakan, pati dalawa nyang apo. Kundi raw kami kumanta, di siya masaya. Aba at stage grandmother! (Annabelle, ikaw ba yan?)
Umuwing may ngiti sa labi ang lahat at butas ang bulsa naming magkapatid. Di bale, masaya namang lahat. Di kayang bilhin ng salapi yun.
Binalibag Ni Choleng ng 9:37 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin