BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, September 09, 2007
kaSUTILan
Sutil.
Malalim na tagalog. Ibig sabihin matigas ang ulo. Pilyo. Pasaway.
Gawa ng pangalan, inakala kong ganun ang tipo ng musika ng banda ni RJ Chaves. Matinding rakrakan. Maingay. Masakit sa tenga.
Teka nga, sino naman si RJ Chaves? Pinoy pop superstar. Taga-LG na sya pero tubong-DR. Makulit. Balahura. Balatuba. Tipikal na taga-DR.
Bumili ako ng CD ng Sutil out of pakikisama kay RJ. Siyempre, tsokaran, kailangan suportahan. Hindi ko inakalang magugustuhan ko.
Magaganda ang kanta. Sampu lang pero iba-iba ang tema, iba-iba ang bagsak. Sulit.
Simple, suwabe orihinal at natural. Walang itulak-kabigin. (RJ, I'm so proud of you. Parang hindi ikaw!)
I especially liked Paradise, Salot at siyempre, Kol Center na pinatutugtog na ngayon sa Jam 88.3.
Para sa interesadong magkakopya, Text Sutil, 0926-7393550.
O, ano pang tinatanga-tanga n'yo dyan. Kilos na at magpaka-Sutil.
Binalibag Ni Choleng ng 6:25 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin