BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, October 27, 2007
Vote Wisely Ka Dyan!
Last day pala ng pangangampanya kaya tsura ng fiesta sa barangay namin. Kaliwa't-kanan ang banda ng musiko at drum and bugle.

Wala akong masabi. Tinalo pa ang nakaraang Senatorial elections sa ingay, init at KALAT!!!

Career!
Pati pamangkin kong walang kamuwang-muwang, tigas ng pangangampanya para sa Lolo nya. (lobo lang naman ang habol)


Sa ganitong pagkakataon na nagkakamukhaan, pihadong maiisantabi ang "vote wisely." Tiyak na mamamayagpag ang Kamag-anak Incorporated at lulutang ang "utang na loob" at "pakikisama."
Pinoy eh!
Binalibag Ni Choleng ng 8:00 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin