<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, November 29, 2007

Road Runner, muntik madapa
Last day ng cutoff, haging pang nabulilyaso ang ikatlong Road Runner ko.

Ang Road Runner ay isang company award kung saan ginagawaran ng sampung libong piso at palakpak mula ulo hanggang paa ang empleyadong walang late at absent sa loob ng isang taon.

Huling araw na ng pasok ko para sa November, sadya kong inagahan ang alis para sure ball na ang award. Maayos naman ang biyahe hanggang makarating ako ng Crossing.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketSa naghihintay na LRT-Ayala bus na bagama't naka-go ang traffic light eh nakatambay pa rin sa kanto ng Edsa-Shaw ako sumakay. Wrong move dahil hindi pa nag-iinit ang puwit ko, heto na ang parak, kinuha ang lisensiya ng driver. Dinig ko binigyan ng singkuwenta kaya kami nakaarangkada pero pagdating ng Boni, nag-cut ang patrol car. Ang lagay eh humabol pala. Bumaba ang kunduktor at kung nagdagdag o "tinuluyan," hindi ko sigurado pero muling tumakbo ang bus.

Sarap batuktukan ng driver. Dami na ngang interruptions, nagmabagal pa. Lahat ng kanto, sinuyod. Naghahapit dahil nakotongan?

15 minutes bago time, nakarating kami ng JG Summit. Kung bakit wala namang sasakay, tumambay pa ang bus at at naghintay ng sasakay.

Terminal???

Ilang pasahero sa bus ang narinig kong nagpapapalatak. Panay na ang padyak ng katabi ko. Nagkalakas ako ng loob na magtaray na hindi ko karaniwang ginagawa sa pampublikong lugar.

"Bagal-bagal!" inis kong bulong na sinadya kong iparinig sa driver na alam kong narinig dahil sumagot.

"Naghahanap-buhay ang tao eh." (Sumagot pa!)

Umakyat ang dugo sa ulo ko, napalakas na ang boses ko.

"Naghahanap-buhay din kami!"

"Hindi kayo dapat dito sumakay kung nagmamadali kayo," (sumagot pa ulit!)

"Ang dami na nating interruptions, nahuli na kayo, ang bagal-bagal nyo pa. Ang dami ko ng bus na nasakyan, hindi ganito."

"Asus!" sabi ng driver.

Hindi na ako sumagot dahil pinaandar na ng driver ang bus at tila binilisan dahil ilang sandali lang eh narating namin ang RCBC. Walang lingon-likod, nakasimangot akong bumaba at pinigilan ang sariling duraan ang driver. (Jesus, ni hindi ko alam ang itsura ng driver!)

5:55 AM nag-in ako.

Pasok!

Binalibag Ni Choleng ng 5:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com