BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, December 30, 2007
Homily, Family and Epiphany
Ilang taon na ring kami ang choir sa lingguhang misa ni Father Nolan sa Megamall pero ngayon lang kami nilibre sa dinner ng masayahing pari.
Si Father Nolan ay Spiritual Director ng Theology Department sa San Carlos seminary at celebrator ng 6:30 mass sa Megamall kung saan kami ang choir.
Isang long table ang pina-reserve para sa amin sa Max's Megamall. Bandang gitna ng mesa ang inilaan namin para kay Father at sa dalawang kasamang sakristan pero sa kabisera siya pumuwesto, malapit sa akin, kaya kami ang nagka-chikahan.
Sa pagitan ng pagpangos ng manok, napag-usapan ang homily nya hinggil sa pagiging tila "uso" ng hiwalayan ng mag-asawa, na siguraduhin ng mga magulang na maipaliwanag ng maayos sa mga anak ang tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil kung hindi, iisipin ng mga anak na "okay lang" ang nangyari.
Dahil hiwalayan ang usapan, nakalkal na naman ang kuwento ko. Ayon kay Father, kailangan namin ng "closure." Ako na raw ang mag-initiate ng pagkikita namin para matapos na. Sabi pa ni Father, makaka-move on lang ako kung matututo akong magpatawad. Gusto kong sabihing "easy for you to say, Father, dahil hindi naman kayo ang ginago," pero sinarili ko na lang.
On a lighter note, may trivia na binanggit sa amin si Father hinggil sa tatlong haring Mago. Hindi naman daw sa sabsaban dinalaw ng Three Kings si Jesus kundi sa bahay -- at 2 years old na raw si Jesus nun.
Huwaat? Anong ginagawa ng tatlong hari sa Belen kung ganun?
Kaloka!
Father, I extremely enjoyed our chat. Pag-iisipan ko ang "closure" at "forgiveness" na sinasabi nyo.
Siguro nga tama si Father. Sobrang tagal na, kailangang magkaalaman kung ano ang magiging reaction ko -- kung gusto ko ba siyang tarakan ng ice pick sakaling magkita kami.
Binalibag Ni Choleng ng 7:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin