<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, August 25, 2008

Happy birthday, Ghelay!
Sagsag ako sa Megamall para humabol sa birthday celebration ng bunso at sobrang galante kong kapatid na si Girlie. Mag-text daw ako pagdating ko sa mall pero para naman may element of surprise at saka para naman may bitbit ako sa may birthday, nagpagawa muna ako ng cake bago nagpakita sa kanila.


Photobucket Image Hosting

Photo taken behind crew's back

Kumpleto na ang pamilya nang datnan ko sa Watsons. Ilang pasada mula Building A to B and vice versa, nagyaya nang magmeryenda si mother sa paborito nyang fast food chain. San pa kundi sa official food provider ng senior citizen -- Chowking!

Pagkakain, diretso na kami sa bowling center. Girls versus boys -- kaming apat na magkakapatid laban sa dalawa kong bayaw saka si ama.

Photobucket Image Hosting

Family Strike

Magagaling ang boys! Malalakas magsitira at panay ang strike samantalang kami, lalong-lalo na ang kapatid kong si Janet, eh laging kanal. Buti na lang in the mood ang pulso ko kaya unang tira pa lang strike na tapos isa o dalawa lang ang leftover sa sumunod ko pang mga tira tapos di rin naman nagpahuli sina Ellen at Girlie. Bandang huli, kami pa rin ang nanalo. Na-low bat k'se ang senior citizen ng mga boys. Aba, halos madapa-dapa na sa paghagis ng bola si ama bago matapos ang game.

Pagka-bowling, tuloy kami sa Mannang. Waiting pero okay lang dahil waiting din naman kami sa tatlo kong rascal na pamangkin na hindi sumali sa bowling at pinili na lang maglaro sa arcade. Hay, mga boys talaga!


Photobucket Image Hosting

Birthday girl

Highly-recommended ang Mannang. Mura na, masarap pa. Comment nga ng Dad ko, mas masarap pa sa Barrio Fiesta!

Balak pa sanang mag-Tiendesitas kaso may pasok kinabukasan tapos uuwi pa sa Teresa ang isa kong kapatid. Sa susunod na lang siguro. Baka birthday ko na ang susunod na family get-together.

Can't wait.

Binalibag Ni Choleng ng 7:46 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com