BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, August 30, 2010
Liwaliwan ... Palawan!
Locations: Dangkalan Beach Resort, Iwahig Penal Farm, Crocodile Farm, Little Tagaytay (Mitra Ranch), Disneyland (Baker's Hill), Sabang, Taraw Restaurant, Ka Lui, Underground River, Honda Bay, Snake Island, Pambato Island and Pandan Island
Highlights:
Papuntang Palawan, muntik nang mag-backout si Mudra dahil biglang sinamaan ng pakiramdam. Parang masusuka na ewan. Kabahan ba?
Natalsikan ng tubig-alat ang tatatlong buwan kong E52. Na-corrode ang board. Ayos!
Bumili ng condom si Mudra, pangtakip sa namamaga'ng kuko gawa ng ingrown. Kaya nyo yun?
Oo nga't umalis kami ng Palawan ahead of ETD pero na-delay naman ang pag-land sa Manila dahil sa sobrang lakas ng ulan. 20 minuto kaming nagpaikot-ikot sa ere. Kabadong-kabado ako k'se ganyang-ganyan yung nangyari sa Aircrash Investigation. Magla-landing na lang, nag-crash pa dahil sa pagtambay sa ere. Later on, inamin ng Dad ko na kinabahan daw siya. Bagama't ilang taon na siyang nagbibiyahe, ngayon lang siya nakaranas ng ganito.
Anyway, all's well that ends well. Ngayong natikman na nina Mudra at Pudra ang magbiyahe, sama na raw sila palagi. Bora naman daw.