<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, January 12, 2011

Pers Taym
Isang araw matapos ang Pasko, isinugod si Mudra sa Medical City dahil nahirapang huminga matapos masamid pagkainom ng tubig. Iniuwi din naman kaagad dahil dyspepsia lang daw, sabi ng Doctor. Hindi namin akalaing muli kaming mapapabalik sa hospital ilang linggo lamang ang nakalilipas at mapapa-absent pa ako sa trabaho sa kauna-unahang pagkakataon.

Photobucket

TMC Sticker for non-patients

Hindi ako basta-basta ginigising ni Mudra dahil nga sa nature ng trabaho ko pero bandang 3:00 ng hapon, sinugod ako ni Mudra sa kuwarto. 12:30 pa lang daw ng tanghali ay nagsimula na siyang mag-palpitate pero hindi pa rin nawawala kahit uminom na siya ng gamot. Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena dahil hypertensive nga at may maintenance drug pa pero naalarma na dahil sa sobrang tagal. Nagpasugod na sa akin sa hospital.

Karaniwang yung pangatlo kong kapatid (si Ellen) o yung bunso namin (si Girlie) ang nagsusugod sa kanya sa hospital dahil medyo madaling um-absent sa trabaho nila pero dahil nagkataong ako lang ang naiwan sa bahay, ayaw man n'yang maputol ang tulog ko at lumiban sa trabaho, wala siyang choice kung hindi ako.

Wala namang kaso sa akin. Bilang anak, tungkulin lang nating kandiliin ang ating mga magulang kung paanong tayo ay kinandili nila noong mga panahong hindi pa natin kayang tumayo sa sariling paa. Ayaw lang talaga ni Mudra na may uma-absent sa amin pero wala talagang magagawa.

Malas namang wala kaming mahagilap na magda-drive kay Baby Ghelay (yung Adventure ng kapatid ko na nagsisilbi na ring family car) dahil nasa trabaho rin ang bayaw ko kaya nag-commute kami. Walang taxi kaya sinakyan namin ang unang nagdaang jeep. Balisa si Ina pagsakay pero bandang San Joaquin, Pasig, medyo kumalma na. Yun pala, nawala na raw ang palpitation at tila gustong umuwi na lang. Sabi ko ituloy na lang dahil sayang naman ang lakad namin.

Inasikaso naman kami kaagad pagdating ng Medical City pero dahil nawala na nga ang palpitation, normal ang ECG pati na rin ang iba'ng tests. Nirekomenda na lang ng doctor na magpa-blood works at stress test OPD para malaman kung ano ang pinagmulan ng nararamdaman. Umuwi kami kaagad.

Photobucket

Mudra sa Urgent Area ng TMC

May oras pa para pumasok kung manggagaling ako ng hospital pero dahil nakapang-bahay lang ako, wala pang paligo at ni walang dalang gamit pamasok kaya itinuloy ko na lang ang pag-absent. Samahan ko na rin si ina magdamag para kung may iba pang complaints, malapatan agad ng lunas.

Worth it naman ang kauna-unahan kong pag-absent dahil para naman sa Mudra ko 'to pero umani ako ng papuri. O di ba, absent na nga ang dami pang nag-congratulate sa akin.

Pitong taon ba naman sa kumpanya na walang absent at late, ba't di sila mawindang.

Oist, APS bigyan n'yo ako ng trophy ha!

Binalibag Ni Choleng ng 12:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com