<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, May 15, 2011

Jammin' at CME
Salamat sa Diyos, nakisama ang panahon pati na ang pakiramdam ng Mommy ko, natuloy ang family outing namin sa Club Manila East (CME).  Ayaw sanang lumayo ni ina dahil sinusumpong pa rin ng palpitation pero pumayag na rin dahil malapit lang naman ang CME, 30 minutes mula sa aming bahay via C6.

Malaki na ang ipinagbago ng CME mula nang huli akong pumunta noong 2004.  May iba-iba nang waves at may zip line pa na "tumitirik" nga lang sa ika-3/4 ng "tour."  Isa lang ang hindi nagbago:  bawal pa ring magpasok ng pagkain bagama't hindi naman gaanong problema dahil maraming fast food sa loob tulad ng Chowking, Jollibee, Shakey's atbp.  Bukod pa roon, mahusay "magpuslit" ng pagkain ang mga kasama ko.  Akalain nyo'ng may naglagay ang hotdog bun sa kilili-kili, may nagbulsa ng hotdog at may nagsingit naman ng chichiria sa banig.  Meron namang dinaan sa pagka-senior, dire-diretso lang ang basket at dinedma ang gardenia.  Nakakaloka!

Enjoy lahat at sulit na sulit ang 12 hours na pagpirmi namin sa CME.  Babalik?  Panigurado!



Location:  Club Manila East, Taytay, Rizal

Binalibag Ni Choleng ng 1:34 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com