<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, February 13, 2005

I Hate JG!!!
Sunday na naman at nahirapan na naman akong maghagilap ng Ayala bus sa Guadalupe at nung may magdaan, susme, sabit ako sa entrance ng estribo. Naku, mula ng malipat ang DR sa JG, hirap na hirap na ako! Alam ko matagal pa ang mahal na araw pero kalbaryo na kaagad! Hirap ka na nga sa pag-akyat mo sa overpass, tapos tinubuan ka na ng lumot sa EDSA, wala pa ring nagdadaang Ayala bus! Hay, talaga, I hate JG. What? Oo, I hate JG. Isa pa, I hate JG! Dodonyahin ako nung nasa Export Bank pa. Isang sakay lang from Guadalupe, ang baba ko sa tapat na ng Export...sa halagang P6.50! Ngayon, abot na ang dila ko sa kalye dahil sa pagod pag-akyat sa overpass, makikipagpalitan ka pa ng mukha sa mga pasahero ng "tae" bus. Ano kamo ang "tae" bus? Oo, na Love. Ito yung Marikina transit, isang ordinary bus na syang bukod-tanging liner na masigasig na dumadaan sa Ayala ng ganoong kaaga. Hay, wish ko lang talaga mag-shift bid na dahil pangarap kong maging office girl ule, maisuot ang mga "doktora" attires ko at makasakay ng FX na maghahatid sa akin sa Ayala at hindi yung araw-araw na lang ay naninimbang ako sa dilapidated na hagdan ng Guadalupe at sinasamyo ang aroma ng mga kasakay kong dehin goli! Ngaaarssssh!!!

Binalibag Ni Choleng ng 12:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com