BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, August 13, 2005
Buhay Amateurista
Kahit saan mo ibaling ang paningin mo, nagkalat ang Karaoke CD/DVD. Mall, bangketa o bazaar man, original o pirated, siguradong meron.
Hindi tuloy mapigilang sumagi sa isip ko kung gaano kasuwerte ng mga singers ngayon. Kung may kanta silang gustong pag-aralan, wala silang gagawin kundi pumunta sa record bar at mamili sa sandamakmak na collection. Cassette in Minus One o Multiplex, meron din pero mangilan-ngilan na lang.
Hay! Ibang-iba talaga kumpara sa panahong lahat na yata ng Amateur Singing Contest sa bawa't barrio sa Taguig eh sinalihan ko. Salamat sa pamimilit ng dakila kong lola. Siguro kung may Bantay Bata 163 nung panahon na yun, inireklamo ko na kase sobra ang pagka-stage grandmother! (Salamat sa pamimilit nya, nag-improve ako!)
Hindi pa uso ang Minus One sa Pilipinas noong mga 70's kaya para sa isang "amateurista", imbes na kakapiranggot na VCD o tape ang dala, gitarista ang kasama. (High maintenance ang gitarista dahil pameryenda mo na, payosi pa at manalo ka't matalo, kailangan may talent fee!)
Bagay na bagay naman ang gitara sa mga sikat na "contest piece" noon tulad ng "Ako ang Nagwagi, Ako ang Nasawi" ni Dulce, "Tukso" ni Eva Eugenio, "Bakit Ako Mahihiya" ni Didith Reyes at "Bakit?" ni Imelda Papin. Ay, wag kalimutan ang "Sayang" ni Claire de la Fuente.
"Sabihin Mo," ang contest piece ko dati, kanta ni Imelda Papin. May isa pa, "Bakit Ikaw Pa" ni Geraldine. Susme, mai-imagine n'yo ba ang isang 10-year old na umaawit ng ganitong klaseng kanta? Nakakapanindig-balahibo!
Hay! Buti na lang nagdalaginding na ako at nakatakas sa pamimilit ng aking lola. Huling sali ko sa singing contest nung 1988 pa, contest piece "A Long, Long Time Ago" ni Kuh Ledesma. You see, naiiba rin naman ang taste as one matures. By the way, Minus One na ang ginamit ko dito.
P.S.
Thanks to Park for giving me the inspiration to write this entry.
Binalibag Ni Choleng ng 11:18 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin