BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, January 30, 2006
Tsk!
Nakakaaliw yung babaeng katabi ko sa FX. Pagkaarangkadang-arangkada ng sasakyan, inilabas na ang rosaryo. Mula Pamayanang Diego Silang hanggang C5, tangan nya ang rosaryo, bubulong-bulong.
Sa kasamaang palad, barubal ang driver. Brake happy ba. Konting bagay, brake. Brake dito, brake dun. Ayun, ang babaeng nagrorosaryo, sa pagitan ng pagbulong eh may salit na palatak.
Bulong. Palatak. Side comment, "Ano ba naman tong driver na toh!" Bulong. Palatak. Susme, nakaka-concentrate pa kaya siya?
Unang bumaba ang babae sa 6750. Kung natapos nya ang rosaryo, hindi ko alam.
Ang alam ko masungit siya. Magrosaryo ka ba naman sa pampublikong sasakyan, gusto mo mapayapa?
P.S.
Sa hindi nakakaalam kung ano ang palatak, ito yung word na TSK! na kalimitang nakikita sa dialogue area sa komiks. Kamag-anak ng ULK at ARGH. Walang eksaktong translation sa English, pero ayon kay Webster, palatak means to make a clicking sound with the tongue to express interest or concern. Okay na?
Binalibag Ni Choleng ng 12:52 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin