BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, April 25, 2006
Babuyang di nababoy
Hindi ko na gaanong ikukuwento ang naging buhay namin sa Camiguin, isa sa mga isla ng Babuyan Islands, dahil natalakay ko na yan dati. Wala rin namang ga'nong ipinagbago sa isla maliban sa pagkakaroon ng Smart cell site.
Hayaan nyo na lang ang mga larawan ang mangusap at magkuwento ng mga naging kaganapan sa isla sa loob ng halos tatlong araw.
Picture taken during Doc Sheila's Dental Mission. One woman show ito kasi siya lang ang dentist sa Metanoia Choir. Assistant ang iba. Ano'ng ginawa ng walang magawa? Eto ...
Makabuluhan, ano po?
After the dental mission, sugod kami sa bukuhan. My God, bottomless buko ang drama. Sa sobrang pagka-full tank ng urethra ko, mabaliw-baliw akong nagtatakbo pabalik ng kumbento. Sobrang ihing-ihi na ako!
Next day, island hopping naman ang drama. Yes, magpayong tayo!
First stop, Sisip Island. Mainit ang bumubukal na tubig sa bato at amoy septic tank... este, sulphur. Susme, nag-amoy imburnal kami'ng lahat!
Next stop, Magas-asok Island. Nope, hindi hearththrob ang nasa picture kundi si Father Auckhs na nag-imbita sa amin sa Camiguin.
Ito ang the best! Pinon Island. Puro kambing lang ang nandito. Sarap kumanta ng "The hills are alive .... with the sound of music ... aaahhh..." Puwede ring "High on a hill was a lonely goatherdLay ee odl lay ee odl lay hee hoo..."
Final destination, Pamoctan Island. Kahit tirik na ang mata namin sa gutom, di namin maiwasang di mamangha sa isla. Sing-linaw ng mineral water ang tubig!
Sa sobrang ganda ng place, na-inspire kaming kumanta. Ano'ng sinabi ni Regine?
O di ba ang ganda ng Babuyan Islands? Ano'ng sinabi ng Bora at Galera? Oo nga't Babuyan, hindi naman binaboy!
Ano pang hinihintay nyo? Go na tayo dito!
Dali lang pumunta. Sampung oras lang mula Manila hanggang Aparri via bus (P840 fare sa EMC) tapos apat na oras na bangkang motor hanggang isla Camiguin (P200-P250). Kung gusto nyong mas madali, puwede ring mag-plane hanggang Batanes tapos boat ride ng 13 hours.
Take your pick.
Binalibag Ni Choleng ng 2:36 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin