BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, April 05, 2006
Alam mo Power Ranger ...
Hindi ako mahilig mag-ACW.
Para sa mga hindi familiar sa call center jargon, ACW means After Call Work. Isa'ng button sa Lucent o Avaya na puwedeng pindutin during or after a call para kung may documentation ka'ng gagawin (o kung anu-anong cherfer) matatapos mo ng wala kang kakaba-kaba'ng may papasok na tawag.
Okay din ang button na 'to. Pang-para-paraan. Pang-pahinga. Paborito ng pagong.
Ako naman eh hindi gawing magpipindot nito. Bakit ko naman kakailanganin eh 65 wpm ang typing speed ko (dati akong typist sa Legarda) bukod pa sa DALAWANG TAON na ako dito kaya alam ko ang dapat gawin, eh kaso kamag-anak ni Kuya Cesar ang mga PCs dito sa JG kaya kailangan talagang mag-ACW at hintaying mag-resolve ang tool bago tumanggap ng bagong tawag dahil kung hindi, madi-disconnect ang tool. (CMS Watcher, alam mo ba yan?)
High blood ka na nga sa kabagalan ng PCs, kunsumisyon pa sa CMS watcher na flag nang flag. Mantakin nyo ba namang tatlong beses akong na-flag kanina (at sa tatlong magkakasunod na tawag pa ha!) Ang nakakainis pa, kung kailan naka-avail ka na at saka ka ipa-flag! Hindi lang naman ako ang naka-After Call, di ba?
Kung sino ka mang Hudas, Barabbas at Hestas ka, alam mo ba na hindi real time ang CMS at wag naman nating karirin dahil wala namang queue!
Malaman ko lang kung sino ka gagawin kitang palawit ng helicopter o di kaya eh ipapako kita sa tore ng PBCom!
Binalibag Ni Choleng ng 6:54 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin