<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, March 17, 2006

Multo
Wala na sana akong balak pang pumunta sa Bambang pero a-disiotso na ang lipad ng kaibigan ko pa-Canada at ito na bale ang despedida n'ya. Last chance para magkita kami.

Kung tutuusin, wala namang kaso kung pumunta ako sa despedida pero nagkataong ang kaibigan ko ay pamangkin ng nasira kong asawa at pag tumapak ako ng Bambang, malaki ang posibilidad na mag-krus ang landas namin dahil isang dura lang ang bahay nila.

Iyon ang ayokong mangyari.

Naisip-isip ko naman, habang-buhay ba akong mumultuhin ng nakaraan? Habang buhay ba akong matatakot? In the first place, ano ba'ng ikinatatakot ko eh sino ba ang dapat matakot? Sino ba ang may atraso? Sino ba ang miserable at mukhang tanga ngayon?

Isang araw bago ang despedida, buo ang loob ko at desididong dumalo pero ano ba't nung mismong araw na ay "dinaga" ako. Biglang sumupong ang hyperacidity ko at sumakit pa ang ulo ko kaya nag-text ako kay Che (friend ko) na hindi na lang ako a-attend. Bandang huli, nanaig ang pagiging astig ko. Itinuloy ko na rin.

Hindi ganung kadali. Malamig na malamig ang aking mga kamay at namamanhid ang buo kong katawan nang dumating ako sa Bambang. Ngayon ko napagtanto na matindi pala ang "trauma" ko sa nangyari.

Nandun halos ang Kamag-anak Incorporated at mainit naman ang naging pagtanggap sa akin. May yumakap, may nag-beso-beso, may nag-bless. (Huh! Hindi na in-laws ang turing ko sa inyo kundi acquaintances na lang!) Wala ang nasira kong asawa, dinalhan na lang daw ng handa para hindi na lumipat. Mabuti naman!

Mahirap pero rewarding. Nagawa ko na ang hindi ko akalaing magagawa. Wala na ang multo.

Binalibag Ni Choleng ng 6:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com