BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, October 20, 2006
rOHbin!
10.17.06
Sobrang palasak ang plot ng Till I Met You at sa pagkakaalala ko eh ilang beses nang ginamit sa mga Tagalog pocketbooks. Ilang eksena ang corny at di makatotohanan pero dahil si Regine at Robin ang bida, nagustuhan at dinumog pa rin ng tao. Isa na ako dun.
Yes, isa ako sa milyong-milyong nanood ng pelikula. Yes, I don't watch local channels and yes, I don't watch Tagalog movies pero pag Robin na ang kasali, abaaaa ibang usapan na yan.
Alam kong ka-cheap-an pero sa tuwing lalabas si Robin, kilig with sound pa ako. Alam nyo yung tunog ng impit na tili na may halong kilig? Ganun. ('Tong tanda kong to!) Kulang na lang sungalngalin ako ng mga kasama ko sa sine especially Park na parang diring-diri sa kakiligan ko. Ewan ko ba, iba talaga ang appeal ng damuho.
Anyway, wag n'yo namang isipin na puro na lang ako Robin, Robin, Robin. May mga eksena rin naman akong hindi nagustuhan tulad ng pakikipagtagayan ni Luisa sa mga tauhan ni Senor Manuel. Napaka-unlady like naturingang magiging first lady siya ng hacienda! Puwede namang makisama sa ibang paraan, di ba? Sus, sino namang matinong babae ang gagawa ng ganito? Hmp, sinakripisyo ang dignidad ng isang dalagang Pilipina maging katatawa-tawa lang ang pelikula!
Eto pa, ang Luisa at Gabriel, hayag-hayagan ang "intimacy" ... ay sus! Langgam lang ang pagitan ng mukha nila eh alam naman na ikakasal ang Luisa kay Senor Manuel. Puwede namang maging magkembyular sa lugar na hindi nakikita ng marami. Ano'ng gusto nila, pagtsismisan? (Selos ako!)
Isa pang nakakairita eh si Pekto na nakakakulili sa tenga ang mataas na boses. Ano ba 'to, kinapon?
Sa kabuuan, sulit na rin ang P120 dahil nabusog naman ako sa kaguwapuhan ni Robin (at si Clio sa "tambok" nito ... hehehe) Huwag n'yo na akong tanungin kung bakit gusto ko siya. Basta!
Hay, sana ako na lang si Regine!
Binalibag Ni Choleng ng 11:06 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin