Di kagalingang kumanta pero may dating. Parang si Sting or Adam Levine (of Maroon 5) na nagbi-beatbox.
Pambihira!
Tagal ko nang nanonood ng American Idol pero ngayon pa lang nagkaroon ng tulad ni Blake Lewis. Good fashion sense, unique, malakas ang loob at hindi takot sumubok ng bago. In other words, mahal ko na siya!

Mas okay sana kung siya ang naging American Idol para maiba naman. Puro na lang bumibirit, this time, humihirit naman. Ang kaso, nanaig pa rin ang lumang lebadura pero okay na rin. Di hamak namang maganda talaga ang voice quality ni Jordin kay Blake.

Di bale, marketable naman si Blake kaya I'm sure may career na rin sya (along with Sanjaya) at kung minsan nga, yung talunan pa ang wagi sa bandang huli.

Para sa akin, si Blake ang American Idol. (Kiko and Pampig, you won!)
Tanong ko lang, bakit BShorty ang screen name nya? Maigsi kaya ang kanyang P? P as in Pasensya, hindi ko sinabing pototoy! (sama ng isip nyo!)