THE JAYNA MONOLOGUES
| |
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Dormitory girls 4 AM pa lang, nag-aabang na kami ng sasakyan sa main road ng Lipa, nakapag-taho na rin. Madalang ang bus kaya kahit jeep, pinatos namin. 5:15 nakarating kami ng Batangas Port at 6am eh lulan na kami ng M/B Brian. Bandang 7:15, nasa White Beach na kami. Pa-cute muna sa Port Pa-cute ule onboard M/B Brian Kanina lang malakas pa siya ... Matapos makahanap ng matitigilan (dating gawi, Traveller's Inn) at makapag-breakfast kay Paul, snorkelling na kami. Hihintayin namin dapat si Clio ang kaso, nasa Lipa pa raw ang diyosa kaya lumarga kami ng wala siya. Housemates Yey, snorkelling na kami! Isang balot na tasty bread ang dala namin at talaga namang enjoy magpakain ng fish. Nakakatakot nga lang kapag kinuyog ka ng mga isda. Feeling ko pati ako papapakin ng mga lekat! Pagka-snorkelling, nag-lunch na kami sa Manalo's. Saktong dumating na si Clio kaya sabay-sabay naming nilantakan ang inihaw galore meal. Parang dinaanan ng ipo-ipo ang inihaw na isda, inihaw na pusit, chicken kebab, ensaladang talong, bagoong ... wooh ... isipin ko lang naglalaway na ako! Pose muna habang hinihintay ang order Hindi po si Kathy ang umubos ng food! Patak-patak ... O, Clio abonado pa ba? Pagkakain, paliguan na at walang humpay na kodakan. Mga bagong goli Tamang-tamang nasa kasagsagan ang pictorial namin nang dumaan sina Tata, Ken, Jem and Shawie na Galera rin. Pose na naman! Galera Babes and Hunks Nang mapagod sa pictorial, tulugan na. Bandang 4 PM, napagod sa kahihilata, iniwan namin ni Clio ang mga borlog at naglibot-libot sa beach. Konting shopping tapos nakipagchikahan kina Ken at Tata na inabutan naming naka-display sa buhanginan. Gusto pala nilang mag-banana boat kaya sabi namin ni Clio, susunduin lang namin ang mga sleeping beauty at sabay-sabay kaming mag-banana boat. So ayun, sinundo namin ang mga antukin na excited na nagsipagbihis nang malamang magba-banana boat. Ang kaso, medyo natagalan kaya pagbalik namin sa beach, nakaalis na sina Ken. Itinuloy na rin namin ang banana boat. P100 daw per head ang renta pero kung kami lang daw lima, P800. Sabi ko, "wag na lang!" Natakot yatang mag-back out pa kami kaya pumayag sa P100 kada tao, pinasulat kami sa logbook nila pero sana di na lang dahil puro aliases lang ang sinulat namin. Yes, Nicole, Rachel, Richard at siyempre, si Gina Lopez. (Len, nakalimutan ko ang alias mo) Banana bot Tinanong kami ng driver kung may laglag o wala. Sigaw namin "wala!" pero nang sinabi nang driver na ang thrill eh nasa laglag, pumayag na rin kami. Instruction lang na kapag itinagilid na ang boat, isunod na lang ang katawan at magpalaglag na. Ito namang si Clio masyadong masunurin. Unang liko pa lang, nagpalaglag na. Isang milya tuloy ang layo nya sa pinaglaglagan namin. Nakakatakot palang mag-banana boat ng madilim. Eerie. Ang impaktong driver, sa laot pa kami ibinalibag kaya nadagdagan ang takot namin, lalo na ako. Nang malaglag, pumikit ako at tahimik na nagdasal, "Lord, kayo na ang bahala sa pamilya ko ..." pero lumutang naman ako. Oo nga pala, may life vest pero kahit! Panic mode pa rin ako. Nahirapan tuloy akong makasampa sa boat. Ilang beses akong hinila ng batang apprentice (muntik na ngang pati sya eh malaglag sa bigat ko ... hindi, madulas lang talaga ang lotion) pero paulit-ulit akong dumudulas at nalalaglag sa tubig. Nakasampa lang ako nang tumulong na si Richie at nang finally makaakyat ako, unconsciously eh napamura raw ako. (Promise, hindi ko maalala!) Natakot yata ang driver sa mura ko kaya hanggang sa makarating kami sa pampang eh hindi na kami inilaglag. Diretso na ang iba sa room pagkasoli ng life vests pero kaming mga dalaga (Clio, Kathy at ako) saglit na nagtampisaw. Ligo galore tapos dinner sa Nikita. Mga isang taon yata bago dumating ang order namin at nawalan pa ng kuryente at ang tagal gumana ang genset pero sulit naman ang paghihintay. Masarap ang luto. Dahil sa pagod, di na namin nagawang gumimik pa ng gabi. Tulugan lang talaga. Talagang sinulit ang P2,200 na bayad. Saturday [05.19.07 ] Talagang kinarir ng tropa ang pagtulog kaya mag-isa kong binaybay ang dalampasigan. Ang mga mokong, hindi alam kung ano ang nami-miss nila. Iba yata ang simoy ng hangin kapag 6 AM. Pag ganitong kaaga, sarado pa pala ang ibang stalls pero marami-rami na ring bukas. Tinapos ko na rin ang shopping at saka ako bumalik sa room. Saktong gising na ang diyosa at ang Kathy kaya nag-breakfast kami kay Paul tapos sinundan sina Richie at Len para sa huling hirit sa beach. 11 AM, bihis na kaming lahat, ready to be evicted. Dugong? Habang hinihintay namin ang pag-alis ng M/B Brian, nag-lunch muna kami sa Nikita. At home sa Nikita Last minute shopping Binalibag Ni Choleng ng 12:19 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin |
Ang Nakaraan |
www.thejaynamonologues.blogspot.com |