BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, July 01, 2007
Unang araw ng Hulyo, lumipad ang mata ko!!!
Madaling-araw ... Day 1 ng July, disaster agad. Saktong isusuot ko na lang, sukat ba namang mabugahan ng electric fan ang contact lens ko. Hayun lumipad, dumapo kung saan.
Putik! Kaya nga hindi ako sa bathroom nagkakabit ng mata kundi sa kuwarto para mas safe pero disgrasya pa rin.
Sa grado kong 900, tila bulag na ako kapag wala ang "mata" ko. Kapa, kapa ... gapang ... gapang ... tuwad ... tuwad ... langya, 15 minutes ko nang sinisipat ang mga posibleng liparan ng "mata'' ko ... pinagpapawisan na ako ng malagkit pero wala pa rin.
San kaya nag-excursion ang mata ko???
20 minutes na kakakapa, kagagapang at katutuwad, sumuko ako. Lekat, male-late ako. May goggles naman ako, ba't ba ako nag-aalala? Oo, papasok akong naka-goggles pero di bale na. Kaysa naman um-absent. Pumorma na ako ng paligo. Hmp! Wala nang time maghilod sa kahahanap sa ulangyang mata ko. Late na.
Palabas ng kuwarto, naisipan kong hanapin muli ... one time lang ... huling hirit ... ayun, nakita ko! Ang lekat na mata, umangkla sa tagiliran ng tokador!
"Thank you, Lord," maluka-luka kong nausal. Medyo lumiit na ang contacts dahil sa tagal sa pagkadikit sa tokador pero binabad ko lang saglit at pagkapaligo ko, back to normal na siya.
Hay! Promise, hindi na ako mag-e-electric fan habang nagkakabit ng "mata." Wala akong balak na muling mangapa, gumapang at magtutuwad!
P.S.
Di ko talaga araw. Pauwi, pagbaba ng jeep, abala ako sa pagrorolyo ng kurdon ng iPod ko, sukat ba namang natapak ang paa ko sa lubak. Muntik pa akong madapa. Tatanga-tangang lubak. Alam nang dadaan ako hahara-hara!
Binalibag Ni Choleng ng 6:58 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin