<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, August 06, 2007

Lagare
Sa dinami-dami ng araw sa isang linggo, lahat ng activity ko nagkasabay-sabay ng Linggo. Lagare tuloy ako (di naman ako karpintero ... nyeh!)

Matapos ng nakakakubang trabaho, sagsag ako sa Megamall para sa lingguhang misa. Nang matapos, takbo na ako papuntang Yellow Cab Galleria para sa pa-pizza ng kaibigang Ollie na sa wakas eh pumasa sa NCLEX.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pasado??

Saktong paglabas ko ng Gamol, may nakabalagbag na bus. "Ortigas Ilalim?" tanong ko. Oo raw, sagot ng kunduktor. Sakay.

Nagmamadali ka na nga, kinarir pa ng damuhong bus ang pagkakabalagbag. May nagdatingan at nag-alisang bus pero siya, di natinag, nanatiling nakabalagbag.

Sa inis, tinanong ko ang driver, "Mama, pupunuin ba 'to?" Nagsingitian ang mga pasahero, di ako pinansin ng driver. Sa asar, bumaba at lumipat ako sa bus na nasa pinakaunahan ng mga nakabalagbag. Ayun, nakarating din sa Galle at salamat may nahabol pa akong isang slice.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket
Oo na, Ollie, pasado ka. Salamat sa pizza!

9:00 ang call time ng isa ko pang gimik (Team Building ng mga mayordoma sa Red Box) , pero ganung oras, kasagsagan pa lang ng chikahan. Mula Yellow Cab, lumipat kami ng Gloria Jeans dahil ipinagtabuyan na kami ng pizzeria. Sukat ba namang nandoon pa kami eh binabaldehan na ang sahig? Mga di makapaghintay!

Alanganin nang sumunod ako sa Red Box kaya nag-text ako sa mga mayordoma na hindi na ako makasunod pero nag-text back at sinabing kailangang nandoon ako. Kahiyaan na dahil in the first place, sinabi kong darating ako. Mabigat man sa loob, iniwan ko ang nagkakasayahang tropa upang puntahan ang isa pang nagkakasayang tropa.

10:00 ako sumakay ng taxi papuntang Greenbelt pero 10:15 pa lang, nasa Red Box na ako. Pagdating ngawa agad at dahil "polluted" ang kuwarto sa dami ng nagyoyosi, agad akong namalat at nawalan ng boses. Medya-medya lang ang naging performance ni Choleng. 12:00 midnight, nagpaalam na ako dahil may pasok kinabukasan. 12:05 ako sumakay ng taxi, mga 12:20 nasa bahay na ako. 1:00 AM na ako natulog at gumising ng 3:30.

Buti na lang naka-Enervon Prime ako!

Binalibag Ni Choleng ng 7:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com