BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, September 09, 2007
Suwerte, suwerte lang
May common denominator ang mga contestants sa Wowowee.
Lima hanggang walo'ng magkakapatid. Walang trabaho o pa-extra-extra lang si tatay o dili kaya'y nagtitinda, labandera o nasa bahay lang si Nanay. Lahat gustong manalo para kahi't papaano'y maibsan ang paghihirap.
Karamihan nadadala sa kuwento ng mga kalahok. Naaaawa. Nahahabag. Naiiyak. Ako? Natatawa ako ... (hi ... hi... hi... hi ...)
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Yan ang hindi ko maintindihan. Hindi naman sa nangmamaliit, nagmamarunong o nanghuhusga ako pero bakit alam nang gipit at walang stable na trabaho eh ariba pa rin sa pagpapalaki ng pamilya? Hindi bale sana kung stuffed toy ang mga anak na iluwal lang tapos na pero hindi. Sino ang nagdurusa? Eh di ang kaawa-awa ring mga anak na dahil kapos eh napipilitang magtrabaho sa murang edad at kadalasa'y nahihinto o hindi na nakapag-aaral?
Kung puwede lang magpapalit ng magulang!
Laking pasasalamat ko at hindi sila katulad ang mga magulang ko. Hikahos din namang masasabi pero ang ipinagkaiba, naging responsable ang parents ko. Maayos at marangal kaming napalaki at iginapang na maibigay sa aming magkakapatid ang edukasyong hindi nila nakamtan.
Programang pang-masa ang Wowowee pero isa itong malaking silid-aralan.
Binalibag Ni Choleng ng 7:14 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin