BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, January 11, 2008
Jesus Christ!
Kung napanganga ako sa Passion of the Christ, naloka ako sa The Last Temptation of Christ na halaw sa aklat ni Nikos Kazantzakis at na-publish noong 1951.
Kahit pa may disclaimer na hindi halaw sa gospel ang istorya kundi bunga ng malikot na pag-iisip ng writer, hindi pa rin maiwasang hindi ma-shock dahil kahit ano pang sabihin, isa pa rin itong "Jesus" movie.
Ngayon lang ako nakapanood ng pelikula hinggil kay Jesus kung saan:
1. Tagagawa ng krus si Jesus para sa Romans at katu-katulong pa siya sa pagpapako ng mga sentensiyado.
2. Kung batuk-batukan at alipustahin ni Judas si Jesus ay ganun na lamang.
3. Nag-i-smack-an ang mga lalake bilang batian. Although practice talaga ito sa Middle East, hindi ko pa rin kinaya.
Eksena ito sa pelikula. Ewan kung bakit mukhang animated
4. Daming nagkalat na dyoga sa batis ni John the Baptist. Kailangan naka-topless habang nagbibinyag?
5. Tama ba namang nakikita ng nakapilang parokyano ni Mary Magdalene ang pakikipagtalik nya sa naunang customer? Tama ba namang makipag-usap kay Jesus ng nakahubad?
6. Hubo't-hubad si si Jesus nang i-scourge at ipako.
Eto rin mukhang animated
7. Tatlo ang naging asawa ni Jesus. May Mary Magdalene na, tinuhog pa ang mga kapatid ni Lazarus na sina Mary and Martha.
8. May basket nang dala, may kilik pang anak si Jesus. Family man!
Wala akong masabi sa naging twist sa bandang dulo ng pelikula kung saan tila naging panaginip ang pag-aasawa ni Jesus.
Kakaiba talaga. So glad I finally got hold of this controversial movie ... after so many years!
Kaloka!
Binalibag Ni Choleng ng 6:42 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin