BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, March 22, 2008
Ay, Mahal Na Araw Ba?
Daming tao sa kalye, kabi-kabila ang paninda. Lakas din ng patugtog ng tindero ng pirated CD's at DVD's. Hip hop pa, say mo.
Akala ko fiesta!
Daming palabas sa TV, wala namang kinalaman sa Mahal na Araw. Maharot rin ang tugtog sa radyo. Susme, yung kapit-bahay namin, todo ang pagda-drums ... Huwebes Santo yun ha!
Akala ko fiesta!
Boracay, Galera, Batangas, Laguna o Rizal ang punta ng karamihan. Dun na gugunitain ang Mahal na Araw. Dun na magre-retreat, magninilay-nilay ... beach concert ... beach party.
Akala ko fiesta!
Wala akong naririnig na nagbabasa ng pasyon, wala ring nagpepenitensiya o senakulo. JC, yung Rock Opera meron sa amin. Nadisgrasya, nabali ang krus. Hayun, nabalian si "Jesus."
Mahal na Araw pala. Sorry, akala ko fiesta.
Binalibag Ni Choleng ng 9:21 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin