<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, April 12, 2008

Sa lamayan
6 AM ang pasok ko at kailangan kong matulog ng maaga pero dahil sa ingay sa katapat-bahay, naisipan kong magmasid at makilamay mula sa aming terrace. Last night na kse ng burol ni Ka Gorio, big night, ika nga kaya full blast ang sugalan at may Concert at the Kalye pa.

Ganito talaga ang lamayan sa amin. Lamayan a la Tipas, wika nga. Talagang makakalimutan mong may nakaburol dahil sa ingay ng kasiyahan at kapal ng tao na tila ba nasa peryahan. Sa sobrang saya nga, kahit yung mismong namatayan, nakakalimutang namatayan sila! (joke!)

Tarembe. Bukod sa baraha at mahjong, hindi kumpleto ang lamayan kapag wala nito. Matagal ko nang naririnig ang tarembe pero hanggang ngayon, hindi ko alam ang mechanics at kung bakit sobrang in-demand sa tao. Hindi ko nga alam kung pang-patay lang talaga ang larong ito!

Photobucket
Mga adik sa tarembe

Naaliw ako nang sa kasagsagan ng paglalaro ng tarembe eh may lalabas na sasakyan (dead end kse yung kalye sa amin at isa lang talaga ang daan palabas) Tila putakting nabulabog ang mga tao. Itinabi ang tarembe table para makadaan ang sasakyan tapos set-up ulit. Tuloy ang ligaya. Parang walang nangyari.

PhotobucketPhotobucket
Tsura ng Red Sea na nahati ang mga tarembe addicts

Serenata.Isa pang attraction sa lamayan. Walang bayad ang mga musikero. Sopas o lugaw lang talo-talo na.

Photobucket
Banda Uno, Tipas

Karaniwang dalawang oras ang concert na kapag tumutog na ng martsa, ibig sabihin eh tapos na. Walang en core. Madalas, numinipis ang tao kapag tapos na ang serenata. Yung iba kse, panonood lang talaga ang pakay at hindi ang lamay. (parang ako yun)

Bandang alas-diyes, nilisan ko ang post ko sa terrace. Sapat na ang pagmamasid at pagpa-paparazzi ko at saka nakakain na rin ako ng lugaw. Yes, nasa terrace ako pero may nag-abot ng lugaw. Akalain nyo yun?

Ganyan ba ang lamay sa inyo?


Binalibag Ni Choleng ng 1:26 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com