<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, July 31, 2008

Birthday ngayon ni Yayang
Photobucket

Asyang ang pangalan ng lola ko (father side), short for Ignacia, pero dala ng kabululan ng kabataan, "Yayang" ang naging tawag ko sa kanya na siya ko na ring nakasanayan at nakalakihan at ultimong mga kapatid kong sumunod sa akin, pinsan, malapit na kamag-anak at mga batang gagala-gala sa kalye, yun na rin ang tawag sa kanya.

Sa pandinig ng iba, tila walang paggalang ang tawag namin sa kanya pero wala namang kaso kay Yayang. Besides, sa mga hindi nakakaalam, may paggalang na rin dun. Yayang -- contraction ng Inang Asyang. (magalang!)

Masaya at palabiro si Yayang (bagama't may katamaran). Kapag may umpukan, siya ang bangka (ngayon alam nyo na kung saan ako nagmana) at kung makatawa, 1,000 decibels (nakupow, sounds family!) Mula sa pamilya ng musicians, natural lang na mahilig sa music si Yayang. Siya ang leader ng family choir namin (na active lang tuwing Pasko) at oo, nung bata-bata pa siya, tumutugtog siya ng sax (yes, saxophone) kaso tumigil dahil dinudugo raw siya. Si Yayang din ang kayang sumegunda (o mag-second voice) kahit ano ang kantahin mo. Kahit ano'ng nota, kahit ano'ng kulot, parang missile na susundan ka. Kung minsan tunog pasyon na pero segunda pa rin siya!

Si Yayang ang senior citizen na mahilig sa makabagong musika lalong-lalo na sa jazz at R&B (Lola Madonna nga ang tawag sa kanya ng mga barkada ko). Paborito nga nya si Rick Astley, ang "Everything She Wants," ni George Michael at pag nagpatugtog na ako ng Sade, umuupo na yan sa sofa para makinig. (80's ah!)

Nung mga 8-10 years old pa lang ako, lagi kaming nagkakabangga ni Yayang. Pinipilit kse akong isali sa mga amateur singing contests eh ayoko naman. Naku, para akong bayawak na hinihila sa lungga kapag oras na ng practice. Sermon lagi, back-up pa ang nanay ko. Para sa akin daw ang ginagawa nya, sa ikabubuti ko rin daw ... blah ... blah ... blah! Nung panahon na yun, nabubuwisit ako at nagsisisi kung bakit meron akong magandang boses. Siyempre, iba na ang pananaw ko ngayon. Tama sila at kung pinursigi ko lang ang pagkanta, baka wala si Regine V sa puwesto nya. Mahibang ba!

Nagkasundo lang kami ni Yayang nung ibugaw nya akong maging singer ng banda. Dito, nag-enjoy ako talaga. Walang competition, just pure entertainment. Kahit saan kami rumaket, kasama siya. Laking abala dahil pati siya napupuyat pero siyempre, kailangang may chaperone dahil mag-isa lang akong babae sa banda tapos bata pa ako nun. 'Nung magtagal, hindi ko na pinasama. Sabi ko magpahinga na lang siya, may bagong member at hindi na kasya sa sasakyan kung sasama pa siya. Nagkakamabutihan na k'se kami ng bassist!

Malakas at masigla sa edad na 70, sinong makapagsasabi na igugupo siya ng cancer of the endometrium? Saksi ako sa lahat ng pinagdaanan nya mula sa tests, confinement at TAHBSO operation sa Veteran's Hospital, cobalt sessions pati na rin nang muli siyang ibalik sa hospital. Ako rin ang kinausap ng doctor at sinabing nag-metastasize na ang cancer at may malaking bukol na nakabara sa intestine nya.

Ah, bigla ko'ng naalala lahat. Siguro dahil birthday nya.

Yayang, kung nasaan ka man ... okay ba ang jamming natin dyan?

Binalibag Ni Choleng ng 7:06 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com