BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, July 08, 2009
Si Justin
Sa St. Justin Hospital na ako nagkamalay. Kapapanganak ko pa lang daw gayong matay ko mang isipin eh wala akong matandaang nagbuntis ako.
Maya-maya’y inilapag ng nurse sa tabi ko ang isang sanggol. Anak ko raw, Justin ang pangalan. Tiningnan ko ang sanggol pero wala akong nakitang mukha. Ngumawa ang kuting ... este, baby. Mother instinct, nag-breastfeed ako. Yes, ang mahiwaga kong papaya na-expose sa madlang-tao pero wala naman akong nakitang ibang tao.
Hindi ko na maalala kung ano ang sumunod na nangyari pero nang manumbalik ako sa huwisyo, nasa pasilyo na ako ng hospital, naka-gown lang at palakad-lakad. Kung nasaan si Justin, hindi ko alam at wala akong pakialam kung nasaan dahil ng sandaling 'yun, positibo ako na ayoko pala'ng magkaanak, na isang malaking responsibilidad at pananagutan ang pagkakaroon ng anak. Ganunpaman, nag-iisip din ako at nagpaplano kung sino ang mag-aalaga sa bata sakaling bumalik na ako sa trabaho.
Maya-maya nakita ko si Justin, papalapit sa akin. Akalain n'yong naglalakad na ang kapapanganak na sanggol!
"Mama ..." sigaw ng bata (at nagsasalita na rin!)
Biglang humilab ang t'yan ko. Nagtatakbo ako at hingal na hingal ... na nagising.
Lekat, panaginip lang pala ang lahat puwera ang paghilab ng t'yan ko.
Takbo ako sa CR, madyejerbs na pala ako. Ayun, totoong panganganak yun!
Binalibag Ni Choleng ng 7:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin