<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, June 08, 2009

Angels & Demons: Libro vs. Pelikula


Not worth the wait.

Ewan ko ba, 'yung excitement, kaba, pananabik at kung anu-ano pang emosyon na naramdaman ko habang binabasa ang Angels & Demons, wala sa movie version.

Siguro dahil pagod ako at nakatulugan ko lang ang ilan sa mga eksena, mas makulay at mas detalyado ang paglalahad sa libro o dahil nadismaya ako dahil maraming binago at inalis na bahagi.

2002 ko pa nabasa ang libro pero ito ang mga napansin kong pagkakaiba sa movie version:

1. Major ommission. Hindi binanggit sa pelikula na tunay na ama ng camerlengo ang Pope, na 'nabuo' siya mula sa labis na pagmamahalan nina Father at Mother -- pero no touch, test tube baby lang. (iniisip ko tuloy kung pano nakapagbigay ng sperm si Father ... ayoko ng isipin!) Para tuloy naging mababaw ang rason ng camerlengo na kaya n'ya ipinapatay ang Pope dahil sa pagiging bukas ng isip nito sa siyensiya.

2. Tatay ni Vittoria ang dinukitan ng eyeball para maka-access sa CERN at ipuslit ang antimatter pero sa pelikula, partner lang n'ya at Silvano ang pangalan, hindi Leonardo.

3. Sa tuktok ng St. Peter's sinunog ng camerlengo ang sarili n'ya at hindi maeskandalo'ng nagtititili gaya ng sa pelikula.

4. Si Mortati ang naging pope at hindi si Cardinal Baggia 'kse namatay din s'ya sa libro.

5. Ni hindi binanggit sa movie ang romantic involvement nina nina Robert at Vittoria.

6. Pinalabas na nauna ang Da Vinci Code sa Angels & Demons na siyang kabaligtaran.

Teka nga, lagi namang nagiging condensed at may iniiiba sa movie version, bakit pa ako angal nang angal?

Binalibag Ni Choleng ng 12:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com