<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Tuesday, May 19, 2009

Siyento


Punong-puno ng 'M' ang Hundred Islands summer get-away ng Metanoia:

MAINIT ... Tatlo kaming galing sa GY shift at planong sa bus na lang magbawi ng tulog pero ano'ng saklap, tila hurno ang init ng bus. Asang-asa pa naman kme na kumportable ang biyahe at mapapasarap ang tulog dahil Victory Liner ... sablay! Awa ng Diyos, nilinis ang filter pag-stop over sa Tarlac kaya medyo lumamig ang biyahe pero kulang pa rin!

MAGANDA ... Kapapanasala pa lang ng bagyong Emong kung kaya't sumalit sa ganda ng tanawin ang mga nakatumbang poste at tuklap na mga bubong. Ganunpaman, maganda pa rin ang Barangay Lucap, Alaminos. Makapigil-hininga ang view sa tinigilan naming Vista de las Islas (mainit nga lang dahil wala pa ring kuryente at genset lang ang power source) tila painting ang dapit-hapon at bukang-liwayway at kamangha-mangha ang Hundred Islands na hindi ko maubos-maisip kung paaano nabuo.

Halos anim na oras naming nilibot ang mga isla. Maraming pangalan at description na binanggit ang driver ng inarkila naming bangka pero ilan lang ang naalala ko:

Quezon Island - ang pinakamalaking isla. Saglit kaming dumaong para magpa-picture kasama si Quezon (at mag-weewee sa beach ... hehehe)

Marcos Island - hindi ipinaliwanag ng driver namin kung bakit Marcos ang pangalan pero isa marahil sa mga ill-gotten wealth.

Cathedral Island - hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit. Hugis-cathedral ang gitna ng isla ... sarap pakasal dito!

Children's Island - mababaw daw ang tubig kaya ganito ang pangalan. Hindi kami bumaba kaya di ko nakita kung may seesaw o swing.

Governor's Island (o Big Brother Island) - hindi ipinaliwanag ng driver namin kung bakit Governor's dahil nag-focus siya sa Big Brother. Dito daw dinala sina Gerald at Kim sa PBB Teen Edition. Care ko. Basta nag-enjoy ako sa view deck. Kapagod akyatin pero sulit naman ang view.

Paniki Island - hindi ito ang pangalan ng isla pero bagay lang dahil sa sandamakmak na paniki na nakasabit sa puno. Nakakataka, dami namang isla sa paligid pero bakit dito nila trip tumambay?

Metanoia Cave - hindi ito ang pangalan ng kuweba pero inangkin ko na dahil parang kami lang ang napadaan ng araw na yun lang. Ginutom na k'se kme at dito namin napiling mananghalian ng tapsilog at kape.

P.S. Habang sinisipat ang dingding ng kuweba, may natagpuan kaming sanitary napkin na nakasingit sa isang guwang. Baboy!

Metanoia Island - hindi rin ito ang pangalan ng mga isla pero gaya ng kuweba, kami lang ang nagkamaling tumambay at mag-swimming sa islang ito. Hindi k'se kasing-sikat at developed tulad ng Quezon Island pero maganda rin naman.

MASARAP ... Nakakatuwang nasa Alaminos na kme at local food dapat ang kinain namin pero mahal ang food sa tinigilan namin kaya nagta-tricyle kme papuntang bayan para kumain. Masarap din naman ... kakaiba -- Brunch, McDo; Dinner, Chow King; Breakfast, Jollibee; Dinner, Cindy's - the place to be. Yes, may Cindy's pa dito sa Alaminos, may Zenco Footstep pa nga.

MADAMDAMIN ... Bago mag-island hopping, nagsimba muna kme. Sa auditorium ang misa dahil wasak na wasak ang simbahan. Kahindik-hindik dahil kahit ang makapal na bubong ng auditorium eh may bahagi pa ring tuklap. Ganoon katindi ang galit ni Emong! Pagkatapos ng misa, dumaan kami sa simbahan at nabagbag ang kalooban namin sa nasaksihan. Tuklap ang buong bubong sa tapat ng altar, may tubig pa rin sa loob ng simbahan at naghambalang ang mga upuan at santo.

MAINGAY ... Kung noong papunta eh mainit, pauwi eh maingay naman. Tama ba namang magsalitan ng ngawa ang 3 batang pasahero? Sabi nga ng ka-choir ko, Hospicio de San Jose ba 'to? Hmp! Naunsiyami na naman ang plano naming magbawi ng tulog!

MAUULIT ... Syempre naman mauulit pa ang Metanoia get-away pero siguradong sa ibang lugar naman. Bora o Vigan? Kahit saan, basta 'wag lang mainit at maingay!!!

Binalibag Ni Choleng ng 10:09 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com