<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, May 03, 2009

Kuwentong Plakda


1. 15 minutes bago mananghalian, alam na naming panalo si Pacquiao gawa ng pakikinig namin sa radyo pero awa ng Diyos, 2:00 PM na naipalabas ang actual na laban sa GMA -- at chinop-chop pa!

2. 'Bitin' ang laban sa paningin ng nakararami (mas maaksiyon pa ang laban ni Humberto) pero tama lang na maagang 'pinatulog' ni Manny ang show-off na Briton. Marumi'ng maglaro ang gago, mahilig mambatok at mangsiko, at bigwas dito, bigwas dun ang style. Kung tumama ang mga bara-bara'ng suntok ng Hitman sa Pacman, malamang nahalikan din ni Manny ang sahig na sa tingin ko eh di rin mangyayari sa bilis ng Pacman. Kamoteng-kahoy yata ang diet nyan!

3. Nakakabuwisit na sa dinami-dami ng oras na inilaan para sa commercial ng brabalibintawan, pantapal ng bubong at bangka, pintura, darak at kung anu-ano pa, ni hindi man lang isinigit yung pagkanta ng 'God Save the Queen' ni Tom Jones at 'Star Spangled Banner' ni Jasmine Villegas. Kabawasan ba 'yun sa kikitain ng Solar?

4. Kinilabutan ako nang marinig ko sa radyo ang rendition ni Martin ng 'Lupang Hinirang' k'se akala ko live yung accompaniment. Sus! Minus One pala at wala raw sa timing ang kanta ni Martin, sabi ng Dad ko, pero sabi ko naman style yun k'se pinasukan ng ethnic na rhythm. Sobrang baba lang ng pitch ni Martin for a reason -- ibibirit n'ya k'se yung dulo na di ganong naging effective dahil 'flat' yung pag-hit n'ya at tumama lang ng mga huling 3 segundo ng nota. Teka lang, duda ako kung live ang kanta ni Martin k'se di tapat yung buka ng bibig n'ya sa kanta (o dahil may delay lang ang feed?)

5. Bonggang-bongga ang UK flag at banderitas sa shorts ng Hitman, sikat naman ang Ricoa na nakabalagbag sa puwitan ng Pacman. Sa hindi nakakaalam kung ano yung Ricoa, eto yung breakfast cocoa, gamit ng lola ko sa pagtsa-champurado. Inihahalo ko rin dati sa hot water para hot choco.

6. Matapos patulugin si Ricky, sino naman ang susunod? Over lunch, napag-usapan namin na dapat magretiro si Manny habang nasa rurok pa siya ng tagumpay di tulad ng nangyari kay Papa Oscar de la Hoya o kay Morales na na-KO muna bago nagretiro pero sabi ni Mudra, nakapaaga pa para tumigil si Manny dahil malakas pa sa kalabaw. Naisip ko tuloy, mapapatumba kaya ni Manny ang kalabaw?

7. Plakda ang Union Jack, naghuhumindig naman ang bandera ng Pilipinas. Salamat sa Pacman, sikat na naman ang mga Pinoy!

P.S.

Nakakahiya man pero kay Hatton ako nakapusta. Hayan, sagot ko tuloy ang isang kahong pizza.

Binalibag Ni Choleng ng 10:48 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com