BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, September 20, 2009
Ay, Choleng!
Kung minsan masama rin yung hindi nagtatanong, assumptive masyado at feeling lagi'ng tama. AKO 'YUN!
Ganito k'se yun. Napagkasunduan namin ni Jomarie na sa 3:25 screening sa Shang manood ng In My life. Knowing na blockbuster ang pelikula, it's a Sunday at kasusuweldo pa lang, pumunta ako sa Shang isang oras bago ang screening para bumili ng ticket.
Pagdating ko sa takilya, walang nakapila sa usual na pilahan bagkus may isang mahabang pila na nakaharang sa entrance ng Cinema 2. Naisip ko, ang dami sigurong manonood ng In My Life kaya dun pinapila. Buti na lang inagahan ko. Di na ako nagtanong sa takilyera, dumiretso na ako ng pila dun sa mahaba.
30 minutes after, hindi gumagalaw ang pila at tila hindi nag-i-issue ng ticket. Imbiyerna na ako. Gusto ko nang umalis sa pila para magtanong pero naisip ko, sayang naman ang pila. Tinext ko si Jomarie, sinabi ko na nakapila pa rin ako. "I so hate this!," dagdag ko pa.
3:00 PM dumating ang Jomarie. Andun pa rin ako sa "pila" na dumoble na ang haba kaysa nang dumating ako. Sinabihan ko, paki-check kung namimigay na ng ticket. Nagpunta naman sa takilyera at pagbalik may dala nang ticket, ngising-aso at tila nahihiyang sinabi, "Bilis halika na..."
"Ha, bakit?" Masama na ang kutob ko. May kagagahan akong ginagawa alam ko.
"Eh Cine Europa yang pinilahan mo, libre yan."
Ay tanga!
P.S.
Although maganda yung movie, feeling ko di sulit yung binayad na P170 dahil una 'di talaga ako mahilig manood ng Tagalog movie (para lang akong nanood ng MMK sa sine) tapos dun kami napuwesto sa bandang harap gawa ng katangahan ko. Sakit sa mata!
Promise, sa susunod magtatanong na ako!
Binalibag Ni Choleng ng 10:15 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin