BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, August 16, 2009
Ang gulo!
Kailangan ba talagang magdilig ng dugo?
Hindi ako makabayan sa tunay na konsepto ng isang makabayan.
Hindi ako sumasali sa mga kilos protesta; ni hindi ako nagmamartsa papuntang Mendiola (kahit na sa eskuwelahang kulay bagoong ako nagtapos na malapit lang sa Malacanang) Edsa o Ayala at wala sa idelohiya ko ang huling talata ng Lupang Hinirang (... ang mamatay ng dahil sa 'yoooo ...) ; wala akong pakialam kung chacha, tango o boogie ang isinisigaw ng masa at lalong wala ako'ng pakialam kung sino ang nakaupo at at mas lalong wala'ng hilig makialam kung paano sila 'umupo' pero tao rin naman ako na naapektuhan, nahindik at muling nag-isip kung bakit tila wala na yata'ng katapusan ang pagdanak ng dugo sa timog.
Paslit pa ako, may alitan na, hanggang ngayon ba namang katanghalian ko na? Ano ba yang alitan na yan, ipinamamana?
Muli ko na namang naalala ang awit ng Asin na angkop na angkop sa kasalukuyang kaganapan:
Ang Bayan Kong Sinilangan (Timog Cotabato)
Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo.
Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
Di alam kung saan nanggaling, di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, di ko alam ang dahilan ng gulo.
Bakit nagkaganon, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo.
Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko?
Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo.
Coda:
Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo...)
Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos...)
Sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo...)
Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino...)
Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)
Ang gulo
Tanging panalangin ang maiaalay ko -- panalangin para sa mga nasawi, sa mga naiwan at para sa kapayapaan ng Pilipinas.
Hindi ako makabayan sa tunay na konsepto ng isang makabayan pero Pinoy pa rin ako. May pakialam paminsan-minsan.
Binalibag Ni Choleng ng 7:05 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin