BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, August 14, 2009
Bistekupo of the Week
Hindi pinapasok ng guard ang isang taga-Bistek. Naiwan ang ID at ni walang dalang kahit na ano'ng mapagkakakilanlan para ipang-collateral sa MMDA ID (eto yung tempo ID na singlaki ng ID ng MMDA) kaya pinasundo sa akin sa lobby. Ang kaso, hindi sapat ang "face value" ko para papasukin ang pobre. Hiningan din ako ng valid ID eh naiwan ko sa taas. Buti na lang, may naharang si Mr. Forgetful na isa pang taga-Bistek, hiniraman ng valid ID, hangos pabalik sa guard, male-late na kse. Hindi tinanggap at di ko naman masisisi ang lady guard.
Kelan pa naging valid ID ba ang discount card ng Yakult?
Cute nyo!
Binalibag Ni Choleng ng 7:00 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin