<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, July 31, 2009

Malayang Taludturan
Nag-aayos ako ng mga abubot ko ngayon lang nang makita ko ang isang gula-gulanit na kuwaderno. Ah! Dito nakasulat ang ilan kong mga katha. Wala pa kaming internet access, computer o laptop kaya mano-manong isinulat.

Hayaan n'yong ibahagi ko sa inyo ang ilan. Walang tatawa.

***
(Kaga-graduate pa lang sa kolehiyo, puno'ng puno ng pag-asa at ambisyon. You wish, Choleng!)

AMBISYON
02 Pebrero 1989

Musmos pa lamang ay ambisyon ko na
Maging manganganta, pasayahin ang balana
Taginting ng gitara'y langit sa aking tainga,
Animo balaning nakapagpapakanta.

Nang ako'y magkaisip ambisyon ko'y naiba
Nahilig sa pagguhit, sa kulay ay hangang-hanga
Ibig nama'y maging pintor, makipag-ulayaw sa lona
Pag-awit na dati'ng ibig isinatabi muna.

Kasabay ng pagkahilig sa pintura at lona
Naibigan ko rin ang pagsulat, paglikha
Ng tula, sanaysay, mga kuwentong kaaya-aya
Kung kaya't ang pagsusulat sa hilig ko ay nasama.

Sa labis na pagkahilig sa tatlong Musa
Pagtuntong sa kolehiyo, ako'y labis na nabalisa
Alin ba sa tatlo ako'y dapat magpakadalubhasa?
Mamili'y sadyang hirap, sa tadhana ako ay umasa.

Ngayo'ng ako'y tapos na sa kursong kinuha
Hindi ako pintor, ni hindi rin manganganta.
Ako'y isang manunulat na maipapara
Sa isang kasisibol pa lamang na bunga.

Oo nga't ang pagsusulat ang aking kinuha
Ang mga naunang ambisyon ay di napariwara.
Masidhing tunay ang aking adhikaing
Maging manunulat, pintor at manganganta.

Huwag akalaing si Bellerophon ay aking kapara
Ang kanyang ginawa'y sadyang 'di ko makakaya
Ang piliting si Pegasus sa Olympus ay humangga
Batid ko naman ang aking makakaya.

Sa dinig ma'y mahirap nguni't tiyakang mababata
Sa paunti-unting pagsasanay tiyak ako'y mahahasa.
Pasasaan ba't magkakaroon din ng obra
Awitin, larawan at maraming nobela.

Sa ngayon ang Parnassus ay di ko pa kaya
Nguni't sisikapin sa abot ng aking makakaya
Sukdang tumulo man, pawis ko dugo't luha
Ambisyon ko lamang ay aking makuha!

***
(Valentine gift sa dating nililiyag. Sabi sen'yo hopeless romantic ako. Nahan na si Ronald? Hayun, nagpapasada ng tricycle!)

VERSES FOR RONALD
13 February 1991

I wake up in the morning and I so suddenly wonder,
Why I want to sing and shout and fill the air with laughter
Why wherever my eyes wander seem like a bed full of flower,
And then a warmth surge over me and with a smile I remember,
I have you and your love that's bound to be forever.

I know you're not rich, neither are you a looker
But just one look at you makes my heart melt like butter;
Oftentimes through my restless nights, when my eyes can shut never
I think of you and your love that's bound to be forever.

For bliss is your touch, in your arms I find shelter
I never care less if it rains as long as we're together
When you murmur in my ears endearment so sweet and tender,
I close my eyes and thank God for giving me a partner
Whose loving makes me utter, "I love you and no other!"

No walls, not even barriers can ever make my love alter
That's a promise to you, love, that I swear will never falter
And if by fate somebody tries to make our love suffer;
Together we will fight, there will be no surrender,
Let love flourish, let love conquer not be conquered!

***

(May nilikhang himig ang kapatid ng lola ko, si Col. Severino Herrera -- pareho nang SLN --, panlahok sa isang patimpalak. Pinalapatan sa akin ng titik. Malungkot ang melodya, heto ang kinalabasan ... )

NGAYONG WALA KA NA
17 Mayo 1990

Buhay ko'y kay panglaw
Pagka't wala ka na
Lumisan ka't iniwan mo
Ang puso ko sa dusa.

Sakit na nadarama
'Di ko mababata
Ang buhay ay aanhin pa
Kung ikaw'y wala.

Nalimot mo na ba
Wagas nating sumpa, sinta?
Na hanggang kailanpaman
Tayo'y magsasama.

At ngayo'ng wala ka na
Limutin ka'y di magawa.
Sa piling ko'y magbalik ka
Pagka't mahal pa rin kita.

(By the way, ako rin ang nag-interpret ng kundimang ito sa contest -- yes, isa siyang kundiman. Kantahin ko na lang pag nagkita tayo! Nanalo ba kamo? Thank you, girl!)

Binalibag Ni Choleng ng 9:01 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com