THE JAYNA MONOLOGUES
| |
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
All Stars Rendition of 'We Are Family' Saklap, hindi namin gaanong naensayo ang kanta pero ang Concepcion, gahol na nga sa oras, hinila pa kami'ng dalawa ni Anz na samahan ang APS Chorale sa pagkanta ng Lead Me Lord sa opening prayer. Ayun, lalong hindi kami naka-practice. (Sabagay, nag-back up din naman sila sa We Are Family) Kinalabasan, paog-paog na performance. (mabuti na lang hindi ito contest). Hindi rin kami itinuring na 'family' ng sound system. Hindi na nga gaanong kabisado ang kanta at may-I-silip pa ako sa kodigo, tama ba namang yung mike na napunta sa akin ay nawawala ang tugtog tuwing kakanta ako? KJ! Hay, semi-disaster pero yan talaga ang resulta pag hindi nagpa-practice. Sana wag nang maulit ang ganitong eksena at masisira ang reputasyon naming tatlo! Sa mga kapamilyang dumalo sa Open House, nawa'y nag-enjoy kayo sa proyekto ng kumpanya na ipasilip sa inyo kung ano ang buhay ng isang ahente. Hanggang sa muli! (Ngek!) Binalibag Ni Choleng ng 5:39 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin |
Ang Nakaraan |
www.thejaynamonologues.blogspot.com |