BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, September 03, 2010
Araw ng RIP's
Naku naman.
Buo ang pag-asa ko na bagama't natalsikan ng tubig-alat ang E52 ko, magagawa pa rin siya sa Nokia Care kaya naman laking tuwa ko nang sabihin nila na puwede ko ng kunin ang alaga ko. Isip-isip ko, ang bilis naman. Kaya naman pala, mabilis. Pinapa-pullout na sa akin yung unit dahil beyond repair na pala. Umabot daw ang tubig hanggang mother board at mas malaki lang ang magagastos kung papalitan ang mga piyesa.
RIP, E52.
Pagkagaling ko sa Nokia Care, tuloy na ako sa De Los Santos Clinic para samahan si Mudra. Ang kuko na pinakaingat-ingatang mabasa ni Mudra noong nasa Palawan kami dahil namamaga (binalutan pa talaga ng condom!) ay ipapatanggal din pala. Kung alam lang daw ni Inay na aabot din naman sa tanggalan, sana ipinaglubluban na niya ang paa sa dagat at sumama na sa amin sa snorkeling. (ayan k'se!)
Oplan Sagip Kuko - Palawan Edition
Anyway, heto ang ilan sa mga larawan ng makasaysayang "tanggalan." Babala: Bawal sa mahina ang sikmura.
Operation Tungkab Kuko
RIP, Kuko.
P.S.
Anak ng ... pati pala yung underwater digital camera nasira rin pero hindi pa naman masasabing RIP na k'se nasa service center pa. Ibang klaseng biyahe ito ... ang gastos!!!