<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, November 13, 2010

Bistek at 2
Wala akong balak dumalo sa ikalawang anibersaryo ng Bistek dahil nahirapan akong nakauwi noong isang taon (halos P400 yata ang taxi ko mula Bellevue hanggang sa amin) pero nang malaman kong Mahogany, Ususan ang venue na 20 minutes away lang sa amin, aba, attend ako bigla.

Madali para sa akin, mahirap sa karamihan. May mga nahirapang hanapin ang venue at gabi na nakarating, meron namang tuluyang nawala at nagpasyang hindi na lang dumalo pero kakaibang kamalasan ang inabot ko. Hindi nga ako nawala -- nagwala naman ang strappy sandals ko. As in napigtal pagpasok ko pa lang sa function room!

Photobucket

Pilyang Figlia

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Di bale sana kung andun lang ako para kumain at uminom pero kakanta ako! Ano'ng isusuot ko, yun baon kong sinelas? (wag isnabin, Charcoal naman!)

Mabuti na lang at nasa di kalayuan si Irish (training at QA manager ng Bistek) na alam kong halos kasing-size ko (siya yung nagpahiram ng purple outfit sa Idol last year). Nilapitan ko at ibinulong ang nangyaring disaster. Medyo nag-panic din ang bruha pero nakaisip agad ng paraan. Isusuot ko muna ang gorgeous nyang shoes pag kakanta na ako, siya na muna ang magsisinelas.

Photobucket

A song for Madam Virg ... Hero

Photobucket

Nakaraos!

Pagkakanta, change footwear agad kami ni Irish. Okay na. Kebs kung nakasinelas ako habang gagala-gala sa party. Maganda naman ang dress ko, wag na lang tumigin sa paa!

Photobucket

Aura pa? Nakasinelas naman!

Photobucket

Photobucket

OPT/PSG/Tech/Main Team -- Winner!!!

... pero Minus 10 talaga kaya sandali lang at nagpalit na ako ng damit at muling isinuot ang streetwear attire na suot ko papunta.

Photobucket

Aura pa rin. Ayan, bagay na ang sinelas!

Photobucket

Tableau with Kei (Nang mahuli ni Sir na pumepetiks si Choleng)

Photobucket

With Bistek's Main man Ray Richardson. Naka-coat ka? Huh! Naka-shirt and jeans ako ... at nakasinelas!

Photobucket

Hataw!

Photobucket

Finale number courtesy of Ross, TJ, Ira and Borgy ... the ABBA!

Lesson learned, magdala ng extra shoes kapag strappy ang sandals ... lalong-lalo na kung matagal nang di naisuot ang shoes at nasa taguan lang.

Hay, singtalas ba ng pangil ng Better Business Bureau ang DTI? Irereklamo ko lang ang Figlia! Grrr!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com