<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, January 16, 2011

Viva Sto. Nino!
Ang pista ng Sto. Nino ang pinakahihintay at pinaghahandaan naming okasyon, kasunod ng Pasko at Bagong Taon.

Bakit hindi eh sobrang saya kaya! Sa saliw ng tugtog ng brass band, dancing in the street talaga ang drama. Indak na walang humpay mula sa mga nakikipagpuprusisyon hanggang sa manonood at nakakaaliw tingnan ang biglang pagpapanabog ng mga nagpuprusisyon kapag may naghagis na ng goodies tulad ng candies, cookies, chichiria, fruits, damit ... name it.

Winner din ang choreography ng mga nakapaligid sa Sto. Nino at mapapangiwi ka talaga sa todong pagwawagwag ng karo na buti na lang ay hindi tumitilapon ang Sto. Nino pero sabi ng lola ko, talagang ipinagsasayawan ang patron kaya malamang heavy-duty ang pagkakapirmi sa karo.

Heto ang ilang eksena mula sa fiesta. Pati prusisyon sa Pasig di ko pinatawad. In fairness, bongga sila!

Binalibag Ni Choleng ng 12:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com