<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, May 22, 2011

EOTW
May 21, 2011 sa ganap na ika-6:00 ng gabi sa lahat ng time zones sa buong mundo. Katapusan na raw ng mundo ayon sa pinuno ng isang 140-station Christian radio network na Family Stations, si Harold Camping.

Laman na pala siya ng balita pero Biyernes ko lang nalaman. Ilang beses ng may lumalabas na ganitong issue at sa tuwing may mangyayaring ganito, tumatahimik na lang ako.  

Madaldal at maopinyon akong tao pero pagdating sa ganitong tema, tameme ako.

Ilang minuto bago mag-6:00 at isang minuto pagkatapos ng 6:00, sandamukal ang komento sa Facebook (FB). May nagagalit, may natutuwa, nagpapatawa at may umaalipusta pero tahimik pa rin ako

Kung bakit ay sa kadahilanang para sa akin, hindi nakakatawang-bagay ang EOTW. Nakikinig lang ako, nagmamatyag at umaantabay pero nungkang nagbigay ng opinyon at bakit kamo? Dahil naaalala ko si Noah (of Noah's Ark).  Hindi ba't inalipusta rin siya at pinagtawanan ng mga tao eh nagkatotoo.

Papaano kung nagkatotoo ang sinabi ni Harold Camping? May oras pa kaya tayong mag-comment sa FB?

Binalibag Ni Choleng ng 6:21 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com