<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, March 06, 2005

Ang Tae Bus
Never heard of it? Hoy, meron! Labas ka ng Ayala, may nagdadaang ganito every 10 minutes. Di naman talaga ito ang name nya. Actually, it’s Marikina Auto Lines Transit Corp. (MALTC) pero dahil kulay yellow ito (same shade as your…you know…) ayun, bininyagan sya ni Love ng “tae” bus.

Naku, sobrang love ko ang bus na ito. Kahit walang aircon at minsan mga dehin goli ang iba mong kasakay, kahit madalas feeling ko mahahati sa gitna ang bus kapag umaarangkada, hinahabol ko pa rin. Kesehodang 2 inches ang takong ko basta haboool!!!

Dati, tinatakpan ko pa ang ilong ko ng panyo pag nagdadaan ito sabay tingin sa opposite side para di ka mabulyawan ng konduktor ng “Guadalupe! Crossing Ibabaw!” pero mula ng lumipat kami ng JG, iba na ang kwento. Ako na ang nanghahabol! Minsan talaga di tayo dapat pintasera or maarte k’se bandang huli, baka sa pangit ka rin mapunta.

Minsan mapagbiro ang tadhana ‘kala n’yo!

Binalibag Ni Choleng ng 11:26 PM at 1 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com