BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, March 13, 2005
Balahura Incorporated
Dalawang araw ng wala akong benta. Pangatlo na ngayon pag nagkataon. Wala rin lang akong silbi, makapangDAOT na nga lang!
Matanong kita, ilang beses ka na bang napadpad sa pantry at napansin mo na may nagkalat na empty sachets ng coffee, sugar, creamer, stirrer, plastic, papel, food morsels atbp? Kung wala sa sink ang kalat na malapit lang sa waste basket, nasa dining table na malapit din sa waste basket! (Tuwang-tuwa ang mga ipis!)
Pagbukas mo naman ng ref, daming century food. Nope, hindi yun TUNA at hindi rin ito Chinese egg. Ito yung mga tira-tirang food na ibinalabag na lang sa ref at ibinaon na lang sa limot ng kung sinong Pontio Pilato!
Pagpasok mo naman sa CR, hala, nagkalat ang mga tissue sa sink na malapit lang sa waste basket. Pagpasok sa cubicle, tissue pa rin sa sahig katabi ng waste basket. Sa toilet bowl, may splatter ng ihi at magtataka kang bigla kung lalake ang gumamit kse kung babae yun, sigurado “shoot” yun.
Lahat ng mga kababalaghan na ito ay kagagawan ng Balahura Incorporated. Isa itong asosasyon kung saan ang mga kasapi ay siyang salarin sa mga nabanggit ko sa taas. Sila ang mga nilalang na walang patumanggang nagkakalat at binabalahura ang paligid at nakalilimutang di lang sila ang TAO dito!
Oo nga’t may tagalinis tayo pero hindi sila palaging nandito. Sabi nga, YOUR MAID DOESN’T LIVE HERE kaya magkaroon sana tayo ng hinagap na gawing maayos ang lahat. Hindi naman natin kailangang maging basketball player para mai-shoot ang tissue or basura, correct? Courtesy lang, dude!
Bato-bato sa langit, tamaan huwag magagalit! Observation lamang po ni Choleng at 'wag sanang masamain. Nawa’y di maging tulad ng ipis ang Balahura Incorporated na dumadami kahit bina-BAYGON!
Ok, third day ko ng walang benta…WAAAAAAAAAH!!!
Binalibag Ni Choleng ng 10:21 PM
at 2 Nagdilim ang Paningin