<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, March 20, 2005

Nakapako ako sa Cruz
“Harapin ang katabi…” sabi ni Father Nolan kagabi, katulad ng nakagawian niyang gawin before his homily. Syempre, hinarap ko ang paborito kong katabi sa Metanoia (si Sheng-sheng, wala syang choice!). Hirit pa ni Father Nolan, “Sabihin nyo sa katabi nyo, “ipako ka sana sa krus.” Isip-isip ko, bakit ipako sana eh matagal nga akong nakapako sa krus…(almost 3 years na nga, as a matter of fact!) You know what I mean, krus? Cruz?

Wish ko lang talaga mawala na sa buhay ko ang apelyidong ito pero wala akong magawa. By virtue of marriage, ang dating maganda at kakaiba kong apelyidong LIZERTIGUEZ ay napalitan ng payak at lima-singkong CRUZ. (No offense meant sa mga kamag-anak ng nasira kong asawa o yung mga CRUZ din ang apelyido ha!) Hirap nga lang, para maalis ang pagkakapako ko sa CRUZ, I need to spend around 70-100T. Mantakin mo yun???

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, di ko na sana pinapalitan ang apelyido ko. Under the revised family code (utang na loob, wag nyo na akong tanungin kung anong kabanata at bersikulo!), may option naman ang kababaihan na wag palitan ang apelyido kahit nag-asawa na kaso out of courtesy na rin sa partner mo (to feed his ego na rin), papalitan mo ang apelyido mo at magiging isang dakilang middle initial na lang ang dati mong apelyido.

Payo ko lang sa mga kabaro kong nag-iisip lumagay sa tahimik (o magulo?…hindi naman masyadong halata na bitter ocampo ako, noh?), you have the option to keep your last name. You might be two but you still need to keep your individuality.

Sa ngayon, tiis na lang ako sa pagkakapako sa CRUZ. Sa isang banda, convenient din namang gamitin ang apelyidong ito (di ko na kailangang mag-phonetics pa para maintindihan) kaya papasanin ko na lang.

Binalibag Ni Choleng ng 5:10 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com