BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, November 01, 2005
Ungal Baka
Familiar ba kayo sa phrase na ito? UNGAL BAKA ... isang figure of speech na kalimitang ginagamit sa pagsasalarawan ng isang taong bigay todo ang iyak … yun bang parang namatayan … o nawalan ng cellphone!
Hindi ko akalaing mag-ungal baka ako, unang araw pa naman ng buwan at Araw pa ng mga Patay pero hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko ang TANGA-TANGA KO!
Bakit kasi sasaglit lang naman ako sa sementeryo eh nagdala pa ako ng cellphone?
Bakit naman sa dinami-dami ng bulsa ng 6-pocket ko'ng suot courtesy of Jane Tabuzo collection eh sa pinakamababaw na bulsa ko pa inilagay?
Bakit hindi ko man lang tiningnan ang upuan ng jeep na sinakyan ko bago ako bumaba?
Bakit kasi 1:00 p.m. ang shift ko for that day imbes na 6:00 a.m.?
Ang daming bakit at sana pero tulad nga ng sabi ng aking ina, nakatakda talagang mangyari ang lahat kaya tanggapin ko na lang ng maluwag ang lahat.
ANO PA NGA BANG MAGAGAWA KO???
Sa isang banda, hindi naman gaanong kamahalan ang Ericsson T610 pero kumpara sa 3210 at 8210 eh bongga na rin. Besides, ito ang unang pinundar ko matapos makatakas sa impiyerno. Tsk, tsk, tsk ... ibebenta ko pa naman sana (nai-post na nga sa Bidshot, wala ng alang pumatos dahil namahalan yata sa turing ko) kumita pa sana ako ng P4,000-6,000!
Ang talagang nakakahinayang eh ang SIM na gamit ko mula pa year 2000! Paano na ang circle of friends ko through the years? Pano na ang mga memorable texts, cute na pictures ng mga pamangkin ko at ang mga hubad na larawan ng kalalakihan na naka-save dun? (Biro lang!)
Oh, well. Nalampasan ko nga ang isang matinding unos, ito pa kaya! Mickey Mouse lang to!
P.S.
8210 ang gamit ko ngayon pero bakit ba? Basta may talk and text, tuloy ang ligaya!
Binalibag Ni Choleng ng 8:43 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin