<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, September 19, 2005

Master and Servant
Nakakagulat na sa panahong halos pwede nang magbakasyon ang tao sa buwan eh meron pa ring mga AMO na hindi makatao at ugaling sinauna. Nakasaksi kami ng ganitong klaseng mga nilalang kahapon.

Pauwi na kami ng choir mula sa isang misa sa Batangas nang naisipan naming dumaan sa Hen Lin para manginain ng mami, siopao at siomai habang pinagmamasdan ang Taal Volcano (sosyal!). Habang hinihintay ang order, napansin kong bumubula ang bibig ni Bajo (choirmaster namin) sa galit. Akala ko dahil naiinip sa order, yun pala naiirita sa pamilya'ng nasa bandang likuran ko.

Pasimple kong nilingon at nakita ko mula sa aking peripheral view na masayang kumakain ang pamilya habang si YAYA, nakaupo sa harap nila, buhat-buhat si Baby, titingin-tingin at lalasap-lasap dahil hindi siya ini-order ng food.

HUWAAAT???

Mukhang hindi kapani-paniwala pero totoo. Nakakapanginig talaga ng kalamnan! Oo na, to each his own tayo pero hindi ko mapigilang manghimasok. Ano ba naman yung i-order ng 3 pirasong siomai at isang basong iced tea. Napakamahal ba ng P70 katumbas ng pagiging aba ng iyong kasambahay?

Hay naku! Ngani-ngani kong batuhin ng siopao ang mga walanghiya kaso naisip ko, sayang ang P40. Tinitigan ko na lang ang bunganga ng Taal at lihim na hiniling na sana higupin ng bulkan ang mga tinamaan ng magaling.

Binalibag Ni Choleng ng 11:18 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com