BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, May 11, 2006
Oh, boy ... Oyster Boy!
05.01.06
Araw ng mga obrero. Legal holiday. Walang pasok ang karamihan kaya blockbuster ang attendance ng KOC (Key of C po, dating company choir ng Pocketbell) kitakits sa Oyster Boy dyan lang sa Cubao Center.
Okay ang venue, maganda ang ambiance. Takaw atensiyon ang pusit... este pugita na nasa kisame na dahil kulay orange eh tila hinilabos. Maganda rin ang Latino music, masarap ang food (panalo ang Rockefeller oyster) at ang pinakamaganda eh reasonably-priced pa. Hindi ko nga lang alam kung alam nila na naimbento na ang aircon. (Calling the attention of Marvin Agustin... Ang init!)
Nakakatuwa. Um-order kami ng oyster mushroom habang hinihintay ang iba. Hinalukay namin nang hinalukay ang appetizer pero wala kaming lobster na nakita. Yun pala, ang oyster mushroom ay isang uri ng mushroom. Yun na pala yun. Isa siyang kabute! (Ay, shunga! Sorry, tao lang. Walang ganyan sa purbinsya namin.)
Isang masaya at masaganang gabi para sa KOC (Bataan naman sana sa susunod). Salamat ng marami kay Mr. and Mrs. Dispo na first time naming nakita matapos silang ikasal. Hanggang sa muli. UK or US man kayo mapunta, wag makakalimot.
Binalibag Ni Choleng ng 2:52 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin