BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, May 24, 2006
Usapang FX naman
FX. Isang sasakyan mula sa Toyota na nagsimulang sumikat noong 1990's at dahil pioneer, naging kamag-anak na rin ng Colgate at Frigidaire dahil kahit ano'ng modelo ng service vehicle, Lite-ace, Hi-Ace o Adventure pa, FX ang tawag.
Pero hindi naman alamat ng FX ang gusto kong pag-usapan kundi gusto kong magbigay ng mga tagubilin at paalala tungkol dito. Sa tagal ko nang pasahero, masasabi ko'ng isa na akong "guru."
Eto yun ...
1. 'Kapag nakita nyo'ng may nauna nang "on the heavy side" sa front seat (sige na mga, MATABA!), wag nang sumiksik pa (lalo na kung Adventure yung sasakyan) kung ayaw mong mag-ala sardinas.
2. Sa mga babaeng naka-mini skirt, wag nang tatabi sa driver (lalong-lalo na kung Adventure ang "FX") kung ayaw nyong makambiyo ang inyong hita.
3. Wag basta sakay nang sakay. P30 din ang pamasahe kaya kailangan komportable ang puwesto. Kapag napansing medyo bulok na ang FX at nakita mong pangatlo ka from the left, wag nang sumakay. Kapag ginawa mo, mararamdamam mong may matigas na bagay na sasaklang sa pagitan ng cleavage ng iyong wetpu. Yun yung bakal na sumusuporta sa panggitnang upuan. Nakupo, kasakit!
4. Kung inaakala nyong ang front seat ang best seat, kalimutan nyo na. Hindi naman palagi! Kapag van ang kasunod sa pila (lalo na yung Hi Ace), wag magkamaling pagnasaan ang front seat kase more often than not, ang seat na yun ay makina disguised as a chair. Tinapang wetpu ang kalalabasan mo! (Nakuwento ko na to dati!)
Ngayon kung kapit sa patalim at uwing-uwi na talaga kayo, then by all means sakay na. Wag nyong sabihing hindi ko kayo binalaan!
Binalibag Ni Choleng ng 7:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin