BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, July 24, 2006
Hooked on Overture
07.21.06
1812 ... Tchaikovsky ... William Tell ... The Barber of Seville ... Rossini ...Poet and Peasant ... Franz von Suppé ... The Marriage of Figaro ... The Magic Flute ... Mozart ... Star Wars ... Superman ... Indiana Jones ... Harry Potter ... John Williams ...
Hindi po ako nagdidiliryo. May hangover lang ng super upload session ko kagabi ng overtures, utos ng dakila kong ama. Salamat sa Limewire at Bearshare, hindi na ako nahiraping galugarin pa ang record bars (hard to find talaga ang mga piyesang ito) at nalibre pa ako ng P500 kung tutuusin. Kung hindi kayo familiar sa pambungad na litanya, famous overtures and their respective composers lang yan.
Sa panahong dominated ang music world ng pop, rock, ballad, R&B, jazz, alternative at kung anu-ano pang genre, maganda ring makinig paminsan-minsan ng overture o kahit ano'ng classical music for that matter. Pang-balance lang.
Lumaki ako pamilya ng "musikero" kaya hindi na bago sa pandinig ko ang ganitong uri ng musika. Nang uhugin pa ako, nagtataka ako kung bakit tila enjoy na enjoy sila -- lolo at lola ko, tito at tita pati tatay ko sa pakikinig ng musikang all strings, percussion at brass at ni wala man lang vocals. Ngayong may isip na ako, naiintindihan ko na sila. Dig na dig ko ang classical music dahil kakaibang ecstacy ang dulot nito. (Hindi yung ipinagbabawal hah!) Minsan ngang manood ako ng concert ng San Miguel Philharmonic, muntik na akong maiyak nang tugtugin nila ang Star Wars Theme. O di ba?
Kung medyo sawa na kayo sa rakrakan, kapehan o pa-sweet na kanta, try nyo'ng makinig ng overtures. Punong-puno ng musicality, emosyon at buhay.
Kakaibang high to, pare!
Binalibag Ni Choleng ng 8:20 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin