<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, July 07, 2006

Oh My ... Tagaytay!

06.30.06

Tinatamad akong magkuwento, let the pictures do the talking. Tungkol san to? Nagpunta kami ng Tagaytay.

Photobucket - Video and Image Hosting

An evening at Leslie's

First stop: Leslie's for some bulalo. Masarap ang food kaso hindi pa kami tapos kumain, binibigay na agad ang bill at magsasara na raw sila. Kasuya, ni hindi pa nga napangalahati ang bulalo!

Photobucket - Video and Image Hosting

Overnight room for P800. Salamat sa haggling powers nina Julius at Richie. Nothing else to do kundi mag-kodakan. (Clockwise): Choleng, Chloie, Anthony (Richie's old buddy), Vivi, Julius and Richie

From Leslie's, hindi malaman kung saan magpapatay ng oras. Boring pala ang Tagaytay kapag Thursday night. Naisipan nung una'ng bumili na lang ng mamam sa 7 Eleven at mag-inuman na lang sa Adventure pero pagkagaling sa Starbucks (dumaan lang kami, hindi naman nagkape) naisipang kumuha na lang ng kuwarto para magpalipas ng gabi. No sense magpagala-gala ng wala namang happening.

Kinabukasan, 6:30 pa lang nasa Mushroom Burger na kami para mag-agahan. Chowking sana kaso sarado pa. Panalo ang food, breakfast pero plain ang rice. Di ba dapat sinangag?

Photobucket - Video and Image Hosting

Mushroom Burger pero tocilog ang order naming lahat. Makes sense?

After breakfast, larga na kami. On our way to our first destination, may nadaanan kaming fog. Fog lang yun pero tuwang-tuwa kami. Walang ganyan sa Metro Manila, noh!

First stop, Caleruega. Sa halagang P20, malaya mong maiikot ang "house of prayer and renewal." Maganda ang place. Tama nga ang slogan nila'ng "Close to nature. Closer to God."

Photobucket - Video and Image Hosting

Stairway leading to Transfiguration Chapel. Hindi masyadong handa si Vivi.

Photobucket - Video and Image Hosting

Kampo Arriba, Caleruega. Ganda ng place can't help but pose. Julius, best actor. Clio, best actress?

Photobucket - Video and Image Hosting

Magtaguan ba?

Mula sa kalikasan, kahayupan naman. Residence Inn ang sunod naming pinuntahan. Sulit din naman ang P100 entrance dahil "gising" ang mga animals.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Residence Inn Stars

Photobucket - Video and Image Hosting

Residence Inn models

After Residence Inn, diretso na kami ng Picnic Grove for lunch. Sa kasamaang palad, low batt na ang digicams pati na rin cellphones namin kaya walang bakas ng aming kaengotan. Ano yun? Tama ba namang pumunta agad sa assigned cottage eh wala pa'ng food. Ayun, mga isang minuto lang kami sa cottage, akyat ulit para bumili ng food at dahil pagod na, hindi na namin nakuhang bumalik pa sa cottage at dun na lang kumain sa tabi ng food kiosks. Ganda!

Natuwa, nainip, nabuwisit, inantok, namangha, natakot, nauhaw, nagutom, naaliw ... sari-sari'ng emosyon. Lahat yan sa Tagaytay. Salamat kay Anthony (na may asim pa) for providing Adventure to our adventure.

Photobucket - Video and Image Hosting

Binalibag Ni Choleng ng 9:49 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com