BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, June 14, 2006
Hibik ng Kalayaan
06.12.06
Independence Day na naman at tuwing napag-uusapan ang kalayaan, hindi maaring hindi maeepal ang aking kasalukuyang kalagayan.
Tunay nga ba akong malaya? Ang sagot ay isang malaking hindi. Hangga't pasan ko ang Cruz, mananatili akong alipin at bilanggo.
Naiinis ako sa sarili ko. Paikot-ikot lang ako. Alam ko naman ang solusyon pero wala akong ginagawa. Eh sa wala akong magagawa eh!
Una sa lahat, wala akong pera at kung magkapera man, nanghihinayang ako sa gagastusin. Ang dami kayang mabibili sa 100,000! As if naman magkakaroon ako ng ganung kalaking halaga. Kakayanin siguro kung gugustuhin pero ano ako bale? Babalikatin kong mag-isa ang gastos. Hindi na, oy!
Kung meron lang hahawak ng kaso ko na pro bono. Sa ngayon, hinihintay kong makapagtapos ng abogasiya ang aking mga kaibigan. Heller! Tagal pa kaya nun!
Which brings us back to square one.
Ah, bahala na. May awa ang Diyos, mawawala rin siya sa landas ko ng hindi gagastos.
Binalibag Ni Choleng ng 5:43 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin